Advertisers

Advertisers

LANDOWNER SA PARAÑAQUE PINAGLARUAN NG MGA POLITIKO?

0 333

Advertisers

Mula pa sa administrasyon ni dating PARAÑAQUE CITY MAYOR FLORENCIO BERNABE JR ay tila pinaglaruan at hanggang pangako lamang ang napala ng isang LAND OWNER sa loob ng MULTINATIONAL VILLAGE mula sa iba’t ibang mga politiko na magpahanggang ngayon ay naghihinagpis pa rin ito sa loteng kaniyang pag-aari na nabawasan ang sukat dahil naokupahan ng CAMELLA HOMES SUBDIVISION.

Bukod sa naturang problema ay idinulog din ng LANDOWNER ang pamamayagpag ng mga LANDGRABBER sa tanggapan noon ni dating DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) SECRETARY MAR ROXAS subalit wala ring naging aksiyon.., siyempre, malapit na kasi ang national election noon kaya mas kinakailangan ni ROXAS ang boto kumpara sa pagtulong sa iisang tao.

Ang LAND OWNER na hanggang ngayon ay nagpoproblema sa kaniyang lote ay si ENGR. SELWYN LAO na base sa kaniyang mga naging pananaliksik ay mismong mga GOVERNMENT OFFICIAL ang magkakakutsaba o bumubuo ng LAND GRABBING SYNDICATE.



Noong taong 2007 ay nagkaroon na umano ng kasunduan si LAO sa METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY (MMDA), BARANGAY DON BOSCO OFFICIALS at ng MAYOR’S OFFICE upang marelocate ang mga pamilyang omokupa sa kaniyang lote na may kabuuang 2,604 metro kuwadrado ay bibigyan niya ng tig-P5,000 sa MMDA at ieskedyul na ang demolisyon. Subalit paglipas ng mga araw ay pinakiusapan umano si LAO ng isang ENGR. NORMA TAMAYO ng MMDA na pagkatapos na lamang ng eleksiyon isagawa dahil ang mga idedemolis ay pawang mga botante ni dating MAYOR BERNABE.

Ang ginawa ni LAO ay direkta na itong nakipagtransaksiyon sa mga taong omukupa sa kaniyang lote, subalit nakialam umano ang isang kumakandidatong Konsehal noon na si MON PANALIGAN at nag-alok umano ito ng halagang P250,000 para ito na ang magsagawa ng pagpapalayas o demolisyon; subalit ang kinahinatnan ay si LAO pa ang nagkaroon ng warrant of arrest mula sa PARAÑAQUE RTC.

Noong 2012, si LAO at si dating MAYOR BERNABE at isang JACK RODRIGUEZ na ang lote rin nito ay inokupahan din ng squatters ay nagkaroon ng kasunduan na hahanapan ng relokasyon ang mga informal settler na gumastos ang una ng P630,000.00 at bibigyan pa ng tig-P10,000 ang mga idedemolis. Gayunman, ang panagako naman ng dating MAYOR BERNABE ay hindi na umano tumupad sa mga napagkasunduan.

Hanggang ngayon ay nananatiling problema pa rin ito ni LAO, na ang kaniyang lote ay halos kulong sa subdibisyong pinangangasiwaan ng VILLAR’s CLAN at ang kabilang bahagi naman ay ang subdibisyong pag-aari ni MR. MIKE VELARDE.

PAGING PARAÑAQUE CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ.., may maiaaasiste ka kaya sa matagal nang suliranin ng isa sa inyong constituent na nakahanda naman umanong umasiste para marelocate ang mga ilegal na omokupa sa kaniyang lote?



***

LAWAY LANG MADIDISKUBRE NA KUNG MAY SAKIT NA COVID-19!

Malapit-lapit nang lumaya mula sa mahal na bayarin para lamang malaman ng bawat indibiduwal kung nagtataglay o hindi ang sinuman sa sakit na COVID-19 sa pamamagitan lamang ng SALIVA SPECIMEN na siyang puspusang isinusulong ngayon ng PHILIPPINE RED CROSS (PRC) na pinangangasiwaan ni SENATOR RICHARD GORDON.

Tanging hinihintay na lamang ng PRC ay ang approval mula sa DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) at iba pang mga kaukulang ahensiya matapos ang iba’t ibang isinagawang pananaliksik sa SALIVA TEST na ang magagastos ninuman ay napakamura lamang at higit na mas mabilis ang proseso sa pagdiskubre ng corona virus kumpara sa isinasagawa ngyong rapid test at swabbing.

Ang SALIVA TEST ay pumasa na sa standards ng REVERSE TRANSCRIPTION POLYMERASE CHAIN REACTION (RT-PCR)..,na pinangunahan ng PRC ang TRIPARTITE AGREEMENT nito sa UNIVERSITY OF ILLINOIS URBANA-CHAMPAIGN (UIUC) at ng UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES.., na noong September 4, 2020 ay nakaharap ng PRC si DR. DIANE RAMOA, ang FILIPINA SCIENTIST na nasa UIUC at instrumento sa naging pag-aaral ng SALIVA TEST at ang resulta nito ay isinumite sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES RESEARCH BOARD OF ETHICS REVIEW BOARD CLEARANCE AND APPROVAL (UP-ERB). Ang SALIVA TEST ay 2 beses nang pumasa at ngayon ay nasa HEALTH TECHNOLOGIST PANEL ng DOH, na nalalapit nang maaprubahan para ang sistemang ito ang siyang gagamitin para sa pagdiskubre kung may sakit na COVID-19 ang sinuman.

“The best news in fact, is that saliva tests are cheaper by at least half the price since there is a cheaper labor cost, few equipment and reagents to be used in a lesser running time conclusive and concordant with the swab tests,” pahayag ni PRC CHAIRMAN & CEO, SEN. GORDON.

Ang processing time ng SALIVA TEST ay mas madaling proseso na 3-oras lamang ay may resulta na kumpara sa SWAB TEST na 6-7 hours ang itinatagal bago malaman ang resulta. Ang shell life ng SALIVA SAMPLES ay tumatagal hanggang 7-days kumpara sa SWAB TEST na tumatagal lamang ng 3-days na nangangailangan pa ng malamig na temperaturang 20*C.. kaya kailangan ang refregerators o cold boxes para sa transport at storage.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.