Advertisers

Advertisers

Higit 4K bumisita sa Manila North Cemetery

0 317

Advertisers

SA kabila nang mahigpit na paalala ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila at ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC), marami parin ang pasaway na mga nais bumisita sa yumao nilang mahal sa buhay kahit na may mga ipinagbabawal.
Nabatid na mahigit na 4,000 ang nagpunta nitong Linggo sa sementeryo at nagpapatuloy pa ang pagdating ng mga bumibisitang kaanak ng mga yumao upang magtirik g kandila at mag-alay ng bulaklak.
Gayunman, marami rin ang naharang at hindi pinayagang makapasok dahil narin kanilang mga edad kungsaan hindi pinapayagang pumasok ang nasa edad 15-anyos pababa at ang 65-anyos pataas.
Ang iba namang may dala-dalang alagang hayop ay hindi pinayagang makapsok sa sementeryo.
May ilan din na nahulihan ng matatalas na bagay, lighter at sigarilyo na isa rin sa mga ipinagbabawal sa loob ng MNC.
Mas mababa naman ang bilang na ito kumpara sa 682 nitong Sabado na hindi pinapasok dahil sa hindi pagsunod sa helath protocols.
Sa ngayon, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 katuwang ang puwersa ng Philippine Army.
Matatandaan na naglabas ng kautusan si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” na isasara sa publiko ang mga pribado at pampublikong sementeryo sa Maynila sa araw ng Undas upang maiwasan ang mass gathering at pagkalat pa ng virus sa gitna ng patuloy na banta ng Covid-19.(Jocelyn Domenden)