Advertisers

Advertisers

PBA: Triple-headers ikakasa

0 262

Advertisers

BABAGUHIN ng PBA ang schedule ng 2020 All-Filipino Cup, matapos ipagpaliban ang laro nitong Linggo dahil may ilang players na nagpositibo sa COVID-19 test.
Ang player mula sa Blackwater Elite ay inilipat sa Athletes’ Village sa New Clark City Linggo ng umaga, at pagkatapos ay naging negatibo ang resulta sa antigen at confirmatory RT-PCR test.
Kailangan niyang makumpleto ang quarantine sa facility bago muling payagan na sumali ulit sa bubble, pansamantala, ang kanyang team ay nakahiwalay nitong Linggo, kasama ang TNT Tropang Giga.
Dahil sa naantalang schedule nitong Linggo, sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na ang pagbabago ay naayon sa kalendaryo.
“Ire-resched din namin… Magbabago ulit tayo,” aniya, “Siguradong may triple-headers na tayo sa mga darating na araw.”
Ang PBA ay may isang triple-header sa schedule sa ngayon, nakatakda sa October 31 sa AUF Gym, Blackwater vs TerraFirma, Meralco vs TNT Tropang Giga, at Rain or Shine vs Phoenix Super LPG.
Sinabi ni PBA deputy commissioner Eric Castro na magkakaroon pa ng isang triple-header sa susunod na araw.
“Most likely, later on we’ll have another triple-header. So, expect a new schedule to be released any time soon,” sambit ni Castro.