Advertisers

Advertisers

Digong: Imbestigahan lahat ng katiwalian

0 257

Advertisers

SA kanyang nalalabing kulang dalawang taon sa kapangyarihan, desidedo si Pangulong Rody Duterte na matupad ang kanyang pangako na mabura ang korapsyon sa gobyerno ng Pilipinas.

“Alam mo hanggang ngayon korapsyon parin ang problema. I have made a pledge… that I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon hindi humihina, lumalakas pa lalo. Hindi po ako naniniwala na wala akong magawa, hindi naman siguro to eradicate corruption in its totallity,” seryosong anunsyo ni Pangulong Duterte sa kanyang lingguhang ‘Address to the Nation’ Lunes ng gabi na inere nitong Martes ng umaga.

Inatasan ng Pangulo si Department of Justice Secretary Menandro Guevarra na imbestigahan ang lahat ng ahensiya na may isyu ng katiwalian. LAHAT!



“I will order your suspension. I need not go to court. Sabi ko nga, itong presidency, hindi man inutil kasi kung inutil ako, aalis na ako dito. Ibigay ko na sa iba. So, huwag nyo akong lokohin,” ngitngit ng Bisayang Pangulo.

Pero marami ang tumaas ang kilay sa mga statement na ito ni Pangulong Digong. Wala na raw bago. Paulit-ulit nya na raw itong sinabi, hindi rin ginagawa. Bola lang daw!!!

Sabi pa ng netizen na si Yen Arcilla Cabaku: “He should start by releasing his SALNs since 2016 and signing a bank secrecy waiver. Otherwise, this is all just propaganda, as usual.”

“Di ba trabaho ng Ombudsman ito? I think Duterte’s announcement is pang-press release lang, pambola sa mga  taong kayang kaya niyang bolahin ha ha ha… Eh ang Ombudsman nga niya ayaw nang i-release ang SALN,” sabi ni netizen Carmen Gabutina Gumban

“Indirect admmission that most of his apointees are corrupt, but don;t worry the trolls are ready to defend. Hahaha…,” netizen Daniel Delrosario



“Blah blah blahh… Bakit kaya kung kailan patapos na termino nya tsaka sya maglilinis ng corrupt? Dahil ba naubos na nila ang pera? Busog na mga buwaya. May nakulong na ba sya corrupt officials?”, netizen Jhonny Caspistrano

“Mukhang pakitang tao ang lahat. Ilang years na nakaupo wala pa naman nakukulong dahil sa corruption. Nalilipat sa ibang puwesto meron. Pero nakulong, wala!”, netizen Achilex Kulit

“Propaganda lang yan para sa darating na eleksiyon. Tapos yung mga di kakampi yun ang gagawan ng kaso para mahawakan sa leeg lalo na mga tongresman, gobernor, mayor yan. Pati nga barangay tanod gustong sakalin din hihihi…”, netizen Joel Fernandez

Ilang libo pang mga brutal na komento ng netizens ang kontra sa mga sinabing ito ni Pangulong Duterte. Bola lang daw ang lahat! Tsk tsk tsk…

Lalo pang nagngingitngit ang netizens sa sinabi ng pangulo na hindi nagnakaw sina Health Secretary Francisco Duque at DPWH Sec. Mark Villar dahil mayayaman na ang mga ito.

“Ito ang problema kay Duterte. Kapag tao niya kahit malinaw na may katiwalian sa ahensiyang pinamumunuan  ay inaabusuelto niya. Tulad lang nina ex-Tourism Sec. Wanda Teo at Cezar Montano, ex-PCSO GM Alex Balutan, ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ex-Customs Comm. Nicanor Faeldon, ex-Philhealth President Ricardo Morales. Lahat ng mga ito inabsuelto ni Duterte, hindi raw korap ang mga ito, wala raw ninakaw. Eh ang linaw ng mga akusasyon laban sa kanila. Binobola lang tayo ni Duterte,” netizen Diego Macalintal

Binanggit din ni Pangulong Duterte ang kanyang mga anak na sina Davao City Mayor Inday Duterte-Carpio at Congressman Paolo “Pulong” Duterte. Malinis daw ang mga ito.

Banat naman ng netizens: “Ipakita nyo muna ang SALNs nila sa publiko at paghubarin ng damit si Pulong kung ano ba ang tattoo niya,” netizen Carlo Cardenas. Patay!