Advertisers

Advertisers

BEWARE MGA BDO CREDIT CARD HOLDERS

0 512

Advertisers

Patuloy sa kanilang masamang gawain ang ilang grupo ng mga skimmers ng mga credit cards na nambibiktima ng publiko.

Isa po ang inyong lingkod sa kanilang nabiktima.

Modus ng sindikato ang tumawag sa mga personal celfon numbers ng kanilang bibiktimahin gamit ang istilong pagpapakilala ng sila ay lehitimong empleyado ng bangko.



In this particular case, nagpakilala po ang suspek na babae sa inyong lingkod as Banco De Oro (BDO) representative na nagpa-follow ng ating request sa nasabing bangko para sa pag-defer sa ating annual membership fee na sinisingil ng BDO..

Nagpakilala po ang naturang suspek bilang si CATHERINE ALVAREZ sa inyong lingkod.
Ang pagtawag na ito ng nasabing suspek sa ating personal celfon number ay di na natin ikinagulat noong una dahil madalas naman tayo nakakatanggap ng tawag sa customer service ng BDO patungkol sa mga concerns sa ating credit card.

Hindi na rin tayo nagduda na impostor ang kausap natin sa kabilang linya dahil alam nito ang bawat detalye sa ating confidential data informations na ang BDO lamang ang tanging nakakaalam.

Batid ng suspek na si ALVAREZ ang kaliit-liitang impormasyon patungkol sa inyong lingkod at sa estado ng ating credit card sa BDO.

Pati ang expiry date ng nasabing credit card.



Sinabi pa nito na ang kanyang pagtawag ay patungkol sa ating request sa BDO na alisin na ang annual membership fee na sinisingil sa inyong lingkod ng bangko.

Sinabi rin ng nagpakilalang si ALVAREZ na kaya nitong taasan ang ating credit limits mula sa existing nitong status.

Makailang beses din nitong itinanong sa inyong lingkod ang ating One Time PIN (OTP) upang sa ganoon umano ay mabilis nitong maproseso ang ating request sa BDO.

Sinabi pa ng suspek na si ALVAREZ na ipapadala na lamang nito sa ating email address ang development sa ating request.

Alam din ng suspek na si ALVAREZ pati ang tungkol sa aking email address na hindi na rin natin ikinagulat dahil nakasaad naman ito sa application form na isinumite natin sa BDO.

Along the way, talagang di tayo naghinala na ang usapang inabot na rin ng mahabang minuto ay bahagi ng isang grand scheme ng isang grupo ng mga mandaramong at nabibilang sa isang ng credit card fraud syndicate na organisado ang bawat kilos at hakbang.

Nagduda na lamang tayo nang magawang tumawag sa inyong lingkod ang suspek na si ALVAREZ ng may kabuuang bilang na labing-isang beses (11x) na paulit-ulit na tinatanong ang ating One Time Pin (OTP) number na di naman pangkaraniwang ginagawa ng mga banking and credit institution.

Nabatid natin sa BDO nang tayo ay personal na magverify na wala silang opisyal o empleyadong CATHERINE ALVAREZ na inatasang tayo ay tawagan.

Nabatid din natin na may ilang transaksyong din nagconsumate sa ating credit cards na hindi naman tayo ang nakipagtransakyon.
Umaabot ito sa kulang-kulang isang daang libong piso (Php 100K) mula sa mga purchase order sa Shoppe at LAZADA Online Shopping Apps.

Agad nating ipinatigil (deactivate) sa BDO management ang ating credit card.

Lesson learned: Hindi tayo dapat nagtitiwala kahit kanino man lalo na kung may patungkol ito sa estado ng ating mga credit cards o maging ng ATM cards lalo na kung ito ay mula sa mga complete strangers na noon lamang natin nakaugnayan kahit ano pa man representasyon ang gawin ng mga ito.

Nakakatiyak tayong pangdodorobo ito sa ating pinaghirapang saving o salapi sa bangko.

Mas detalyadong paglalahad sa modus ng grupong ito ang inyong matutunghayan sa ating muling pagtalakay sa katarantaduhang ito.

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com