Advertisers

Advertisers

Bossing Vic at anak na si Tali, nagbibigay-aliw sa ‘EB’ viewers; Zoren hinatid sa set ng serye ng kambal na anak

0 228

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA tagal nga raw na walang kaganapan sa showbiz, eto’t balik work ang mister ni Carmina Villarroel.

Tuloy na din nga na gigiling ang kamera para muling mapanood ang nahintong serye ng GMA-7.



Yes, muli na ngang mapapanood  ang Bilangin Ang Bituin Sa Langit na dating movie ni Nora Aunor na serye na ngayon na kasama rin sa nasabing serye ang nag-iisang Superstar.

Kabilang din nga si Zoren sa  nagbabalik serye  na BABSL at dahil in ngayon ang lock in shooting or taping, matatagalan ito sa location.

Tiyan na mami-miss ni Zoren ang kambal na anak na sina Mavy at Cassy sa tagal ng taping niya.

Kahit ang twins ay mami-miss din ang ama na nasanay na sa ilang buwan na ka-bonding ito dahil sa pandemic.

Mismong sina Mavy at Cassy na nga ang naghatid sa ama sa location lock-in shooting nito sa San Mateo.



***

MAY bagong kinagigiliwan ang mga netizen sa pagwa-watch ng long running  noontime show, ang Eat Bulaga.

Buti na nga lang daw at idinagdag ng EB ang segment ng mag-ama na sina Bossing Vic at Tali Sotto na pinakabatang  Dabarkads.

Kuwelang-kuwela ang bunsong anak nina Bossing Vic at Pauleen Luna.

As in, kinagiliwan at kinasanayan na kasama na nila sa pananghalian si Baby Tali.

Mas lalong  nag-enjoy ang netizens nang makaisip ng bagong segment sa mag-ama.      Maraming natutuwa na netizens kapag naglalaro na ang mag-amang Vic at Tali ng Jack en Poy at talaga namang klik ito sa viewers.

Well, well, well… ‘Yun na!