Advertisers

Advertisers

DOH sa publiko: Umiwas sa paglusong sa mga baha

0 229

Advertisers

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas sa paglusong sa mga baha ngayong nananalasa ang bagyong Rolly sa bansa.

Sinabi ni Health Secreatary Francisco Duque III na iwasan na magkaroon ng leptospirosis at iba pang waterborne disease na dulot ng maruming tubig baha.

“Huwag na pong lumabas at maglakad sa baha, lalo na po ang mga may sugat sa paa. Kung hindi po maiiwasan ay magsuot ng protective wear o bota. Sa mga lumusong sa baha, magtungo po tayo sa ating mga health centers upang mabigyan ng post-exposure prophylaxis kung kinakailangan para maka-iwas sa leptospirosis,” payo pa ng kalihim.



Paalala pa ng kalihim sa publiko na siguraduhing malinis ang inuming tubig at ang mga nakahandang pagkain.

Aniya pakuluan ang inuming tubig ng tatlong minuto at hugusan ng mabuti ang mga sahog at lutuing mabuti ang mga pagkain. (Jocelyn Domenden)