Advertisers
Ni JOE CEZAR
HINDI napigilan ng Wowowin host na si Willie Revillame ang mapaluha at maging emosyonal nang bisitahin niya kamakailan ang dati nilang studio sa GMA Network compound.
Kuwento niya sa nakaraang episode ng show, nakaka-miss ang saya na nabibigay ng live audience.
“‘Pag pasok ko doon medyo maluha-luha ako. Alam niyo bakit? Kasi pagpasok ko, bakante, bakante ‘yung studio. Tahimik. ‘Yung mga ilaw walang kinang… ‘yung LED walang ilaw. ‘Yung mga speaker, walang tunog. ‘Yung mikropono ko, wala doon, lahat.
“Nami-miss ko na kayong lahat. Nami-miss na namin ‘yung sumisigaw ‘pag naka-‘handa na ba kayo?’ Nami-miss naming lahat ‘yan. Pero ganun pa man ho, kahit na wala kaming kasama sa studio, tuluy-tuloy pa rin po ang programang Wowowin para sa inyong lahat.”
Isang magandang sorpresa naman ang nag-aabang sa loyal viewers ng Wowowin dahil inanunsyo ni Willie na babalik na sila sa original studio simula Nobyembre. Tuwing Biyernes ay magkakaroon na sila ng live show at ibabalik na rin ni Kuya Wil ang segment na ‘Insta Jam.’
Mapapanood ang ‘Wowowin’ mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.
***
Ruru Madrid may bagong look
TAPOS na ang Kapuso Action Drama Prince na si Ruru Madrid sa kanyang quarantine look! Ipinakita niya sa isang Instagram post ang bago niyang hairstyle na tiyak papatok na naman sa fans.
Bilang paghahanda na rin sa kanyang karakter sa upcoming GMA Public Affairs series na ‘Lolong,’ nagpagupit na ang aktor ng mas maiksing buhok na may textured waves na istilo.
Umani ito ng positive feedback mula sa netizens na inihambing pa siya sa mga nag-gagwapuhang “oppa” o Korean celebrities. Abangan si Ruru sa pagbibidahang programa na ‘Lolong’ sa GMA soon!
***
Julie Anne San Jose pinili ng Netflix PH para sa cover ng ‘Over The Moon’ theme song
Ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang pinili ng Netflix Philippines para sa local cover ng “Rocket To The Moon,” ang theme song ng 2020 animated film na Over The Moon.
“When I first heard about [the song cover], I got really excited since I have always been a fan of Netflix films. I’m happy and honored that they have chosen me to do a cover of ‘Rocket to the Moon.’ I hope I was able to give justice to the song and hope that fans like it,” sey ni Julie.
Ikinuwento niya rin ang naging experience sa shooting ng music video produced by Netflix.
“The [shoot] is different from the previous music videos that I have done since this time, there is an animation component. While filming, we used Chroma and I had to imagine that I was part of the movie and interacting with some of the characters of the film, which for me, was the most exciting part. The fun part was that everyone was humming the song, even the most macho crew on the set.”
Pinusuan naman ng kanyang mga kapwa artista at netizens ang nakabibilib na performance ng Kapuso singer.
Tweet ng isang fan, “We didn’t see this coming, @Netflix_PH Thank you for choosing our Asia’s Pop Diva. An effortless and unbothered Queen indeed!”