Advertisers
APEKTADO ng power outage sa Bicol region ang “cold chain storage” ng Covid-19 vaccine test kits matapos ang paghagupit ng bagyong Rolly.
Dahil dito, nanawagan si Heath Secretary Francisco Duque III sa Department of Energy na gawing prayoridad ang pagbabalik ng supply ng kuryente sa mga lugar na lubhang tinamaan ng bagyo.
Ayon sa kalihim, posibleng maapektuhan ang imbakan ng COVID-19 vaccines, test kits at specimen kung magtatagal pa ang power outage sa nasabing mga lugar.
Sinabi pa ng kalihim sa ginanap na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) televised briefing ngayong umaga na maging ang kanilang mga DOH personnel sa rehiyon ay nahihirapang makapag-report dahil na rin sa nararanasang baha at pag-apaw ng lahar sa rehiyon. (Jocelyn Domenden)