Advertisers

Advertisers

Isabel Daza kinukunsinte ang pagiging kerida ng kaibigang si Liz Uy

0 264

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

USAP-usapan ngayon ang kontrobersyal na celebrity stylist na si Liz Uy dahil sa engagement niya sa businessman na si Raymond Ragaza.

Katunayan sa kanyang Instagram, pinasalamatan ni Liz ang kaibigang si Isabel Daza dahil ito raw ang naging daan para magkakilala sila ni Raymond.



Nang i-congratulate ni Isabel si Liz, sinabi naman nito na malaki ang kanyang utang na loob sa actress dahil ito ang itinuturing niyang “best cupid.”

Dahil dito, nagreact ang netizens lalo sa pagkakaalam nila ay kasal pa ang non-showbiz boyfriend ni Liz sa kilalang internist at rheumatologist na si Dr. Geraldine “Ging” Zamora, na isa sa mga recipient ng TOYM awards noong 2016.

Sey pa ng bitchy netizens, immoral daw  si Isabel dahil kinukunsinti nito ang pagkakaroon ng illicit affair ng kaibigan sa isang lalakeng may sabit pa.

Hirit pa ng ilan, kuwestiyonable rin daw ang morals ng actress dahil hindi naisip ang ginawa niyang pagma-match sa dalawang taong may pananagutan na.

Masakit din daw ito kay Dr. Ging lalo pa’t may anak na sina Liz at Raymond sa isa umanong bawal na relasyon.



Ito ang ilang reaksyon ng netizens kung bakit trending sina Isabel at Liz.

“Let’s not glorify mistresses. I love Liz Uy’s creativity, but being an elite doesn’t give her a VIP ticket to destroy another woman’s family. Put the most expensive ring on her finger but she cannot deny the fact that she was a homewrecker.”

“Let’s not glorify these relationships. Another child is left without a father. There’s nothing to congratulate or celebrate here.”