Advertisers

Advertisers

Presyo ng bilihin sa mga palengke sa Maynila pinababantayan

0 261

Advertisers

INATASAN ni Mayor Isko Moreno Domagoso si Market Administrator Zenaida Mapoy na tiyaking walang aabuso sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pampublikong pamilihan sa Lungsod ng Maynila matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.
Ito’y upang masiguro na makakakain ng sapat at masustansya ang bawat pamilyang Manileño sa gitna ng pandemya at kalamidad.
Siniguro naman ng market masters na nangangasiwa sa 17 pampublikong pamilihan ng lungsod na mananatiling patas at abot-kaya ang presyo ng mga bilihin sa Maynila.
Ang maraming agricultural products na dinadala at ibinebenta sa mga pampublikong pamilihan sa Maynila ay galing sa ibang lalawigan sa Southern Luzon kabilang na ang Batangas, Quezon at Bicol na lubhang naapektuhan ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly. (Jocelyn Domenden)