Advertisers
KAAGAD na inaksyunan ni PNP Chief for Administration at COVID Shield Task Force Commander, LtGen. Guillermo T. Eleazar ang napapaulat na pangongolekta ng kotong, lagay o intelhencia mula sa mga ilegalista sa Batangas at iba pang lalawigan sa CALABARZON ang isang barangay chairman na ang ginagasgas ay ang pangalan ng pamunuan ng Criminal Investigation Group, Provincial Office na nakabase sa Batangas City at iba pang panig ng nasabing rehiyon.
Kasamang ipinangongolekta rin ng protection money sa mga elementong kriminal ng isang alias Kap Biscocho ang mga pangalan ng ilang kilalang print at broadcast journalist, karamihan ay mga kolumnista ng daily newspaper na bumabatikos sa operasyon ng mga mag-iiligal at iba pang sindikato sa Region 4-A o CALABARZON Area.
Ang suking kinokotongan ni alias Kap Biscocho ay ang mga operator ng ilegal na sugal tulad ng jueteng cum Small Town Lottery (STL) at huge pilferage operations na nagmamantine rin ng private armed groups at operasyon ng kalakalan ng droga.
Ilang mamamahayag ang umalma sa labag sa batas na gawain ni alias Biscocho na humantong sa pananawagan kay Eleazar na ipasiyasat at ipakulong ang tiwaling punong barangay.
Kinumpirma kahapon ng heneral na inatasan na nito ang tanggapan ng CIDG Region 4-A District Director P/Col. Lito Patay na palutangin si alias Biscocho na napapaulat na ang pinakatalamak na protection racket ay sa mga Lungsod ng Tanauan at Lipa at mga bayan ng San Juan pawang sa Batangas at sa Carmona sa lalawigan naman ng Cavite.
Ayon pa sa magiting na heneral inatasan na rin nito si Col. Patay na huwag tantanan ang pagtugis kay alias Biscocho.
Direktiba rin ni Eleazar kay Col. Patay na alamin ang katotohanan sa likod ng alegasyong ginagamit ng anomalosong chairman ang opisina ng Batangas CIDG Provincial Office at iba opang CIDG Provincial Offices sa pananakot para mapilitan ang mga ilegalista na “sumuka ng intelhencia”.
Kabilang sa iniuulat na suki nitong ilegalista na kinokolektahan ng weekly payola para sa tanggapan ng Batangas CIDG Provincial Office ay ang mga Small Town Lottery bookies o jueteng operators na sina alias Kap Nelson ng bayan ng San Juan at mga jueteng operator din sa Tanauan City na sina alias Mayor Benir, Konsehal Angel, Ablao at Melchor ng Brgy. Darasa, Madam Bagsik ng Brgy. Janopol, Ms. Anabel ng Pantay na Matanda, Kap. Mario ng Brgy. Pantay na Bata, Jr. Biscocho ng Brgy. 7 at Putuhan, Lito ng Brgy. 7 at Putuhan at Konsehal Perez at Angie Tomboy ng Poblacion.
Ang iba pang mga kapitalista ng bawal na sugal at drug pusher sa Tanauan City ay sina Ocampo ng Brgy. Bagbag, Emil, Ramil, Aldrin, Terio, Angke at Lilian ng Brgy. Sambat, Lawin at Dona ng Brgy. Pantay na Bata at Pantay na Matanda, Rowel, Tano at Berania ng Brgy. Trapiche, Engke, Cancio, Dama at Dexter ng Brgy. Ulango.
Kinokolektahan din ni alias Biscocho ang armadong grupo ng magkasosyong alias Bokal Cholo at Amang Kupal na operator ng burikian ng petroleum at oil product sa bayan ng Carmona sa lalawigan ng Cavite. Gamit naman nito ay ang pangalan ng Cavite CIDG Provincial Office.
Kaya pala kung tagurian ay operator ng submarino na nakalitaw ngunit mistulang nakalubog at di nakikita ng mga operatiba ng Cavite CIDG ang operasyon ni alias Bokal Cholo at Amang Kupal ay sapagkat mayroong isang alias Kap Biscocho.
“Sa ilalim ng pamumuno ni PNP Director General Camilo Pancratius Cascolan ay di natin pahihintulutang dungisan ang imahe ng ating hanay ng isa lamang alias Kap Biscocho, anang second top highest ranking PNP official na si Eleazar.
Kasunod naman ng pagkilos ng heneral, nanawagan din ang ilang journalist na di nagpabanggit ng pangalan na magsagawa din ng kaayon na imbestigasyon ang tanggapan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año laban kay alias Kap Biscocho.
Kasuhan at agarang sipain sa kanyang puwesto si alias Kap Biscocho kung mapatunayang isa itong lehitimong barangay chief, ngunit aktibo namang tagapangolekta ng suhol ng ilang police scalawag, hiling naman ng ilang working journalist.
Inuulit po natin mga KASIKRETA, hindi natin malaman kung kanino nanghihiram ng kapal ng mukha at lakas ng loob itong si alias Kap Biscocho para kalakalin maging ang pangalan ng CIDG at ilang mga mamamahayag sa paggawa ng pagkaka-perahan.
Malaki ang pananalig natin kay General Eleazar na tuluyan nitong masusupil ang kabalbalan ni alias Kap Biscocho, nanatili talaga itong action man, simula noon-hanggang ngayon!
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.