Advertisers
TATLUMPO’T anim na oras na binayo ng bagyo ang bansa kasabay ang paghuhumiyaw ng sambayanan kung nasaan si Rodrigo Duterte. Mataas na ang araw sa bahay niya sa Davao City nang magising si Rodrigo Duterte noong Lunes.
Sa mga panahong iyon ay wala kami magawa kundi ipanalangin na nawa’y naroon si Bong Go, ang tapat na alalay upang ipagtimpla siya ng isang tasa ng matapang na kapeng barako na nagmula sa Batangas upang magising ang kaniyang diwa matapos ang mahimbing na pagtulog; bigyan siya ng briefing ng kanyang alalay tungkol sa matinding reaksyon ng sambayanang Filipino sa kanyang pagkawala habang nananalasa noong Linggo ang bagyong “Rolly” sa apat na lalawigan ng Bicolandia – Catanduanes, Camarines Sur, Albay, at Sorsogon.
Nang malaman na nag-trending ang hashtag “NasaanAngPangulo” sa social media, nagpasya ang sumpunging lider na lumipad sa Bicolandia bago tumuloy sa Maynila. Wala sa kanilang plano; Martes pa lilipad ang tila bangag pa na pangulo papuntang Maynila. Minarapat niyang gumalaw ng Lunes. Obligado siyang dumaan sa Bicolandia.
Halos alas-tres na ng hapon nang makarating siya sa Bicolandia. Sumakay siya ng helicopter para sa aerial survey ng Catanduanes at Albay. Walang dala kahit anuman; tanging ang dalawang nakakabit na bayag lamang. Dahil siya ang pangulo ng bansa, pinagkaguluhan ng mga tao. Nag-usyoso kung sinong alien ang dumating sa kanilang bayan. Tumuloy ang bugnutin na si Duterte sa Maynila kung saan pinulong niya ang ilang opisyales ng gobyerno.
Nang humarap siya sa telebisyon noong Lunes ng gabi, mainit ang ulo na hinarap ang batikos at pasinghal ang sagot: “What’s your problem? Ang mga papeles ipinadala, tapos pinirmahan ko, ipadala ko ulit. ‘Do you want me to stand doon sa white sand just to see that I am here?” Hinintay lamang niya na lumipas ang bagyo bago siya kumilos, aniya.
Pabirong nagtanong si Duterte kung bakit sa “dilaw” hinango ang lokal na pangalan ng mga bagyo. Mukhang hindi niya naintindihan na mas maraming “dilawan” ang sumikat sa larangan ng pulitika. Mali ang kanyang detalye. Palayaw ng isang kriminal ang “Rolly.”
Nang paslangin si Rolando Galman na sinasabing komunistang gunman na inupaan upang patayin si Ninoy Aquino Jr. noong 1983, hindi kaagad nakilala ang una. Tanging ang kanyang underwear na may tatak na “Rolly” ang pinagkilanlan. Bumilang ng ilang araw bago nakilala na siya ay si Rolando Galman, isang underworld character sa Tarlac at Nueva Ecija.
Sinabi ng pabigla-biglang lider mula Davao City na may “solid plan” upang maharap ang bagyo na sinabing pinakamalakas sa buong mundo. Ngunit nawalan ng kontak ang gobyerno sa isang buong probinsiya. Hindi tuloy maalis ang pagdududa na mukhang hindi natuto ang gobyerno sa sinapit ng bansa ng dumating ang bagyong “Yolanda” noong 2013. Mukhang dating gawi.
May obserbasyon ang mga netizen nang humarap sa telebisyon si Duterte. Mukhang siya ang nasalanta ng bagyo. Hindi maaliwalas ang mukha. Mukhang kunsumido. Mukhang pinilit bumangon sa higaan upang magtrabaho. Mukhang nagambala sa mahimbing na pagtulog.
***
KABALIGTARAN ni Duterte si Bise Presidente Leni Robredo. Biyernes pa lamang ay kumilos na ang kanyang tanggapan. Nangalap ng mga donasyon mula sa pribadong sektor at nagbalot ng mga relief goods para sa mga masasalanta. Nagnakaw ng ilang oras na tulog. Pagsapit ng madaling-araw, gumayak si Leni at mga kasama sa OVP upang pumunta sa Camarines Sur.
Sapagkat Bicolana si Leni, salat niya ang sitwasyon sa Camarines Sur kung saan naging kinatawan siya ng isang termino bago tumakbo sa pagka-pangalawang pangulo. Binisita ang mga nasalanta sa baybay-dagat sa bayan ng Sabang sa Camarines Sur at namudmod ng tulong.
“Angat Buhay” ang tema ng bayanihan ng pinangungunahan ng Pangalawang Pangulo. Nakarating si Leni sa bayan ng Guinobatan sa Albay. Binuhay ang diwa ng mga taong pinanghihinaan ng loob dahil sa dami ng namatay sa lahar, pagkasira ng mga pananim at kabahayan, at pagkawasak ng mga kalsada at tulay.
“Oragon” ang bukambibig ng mga Bicolano. Lakas ng loob, tapang, malasakit, hindi umuurong sa laban – iyan ang kahulugan ng oragon. Bahagi ito ng kanilang mga halagain sa buhay. Ito ang binigyang buhay ni Leni sa pagpunta sa Bicolandia. Ito ang paraan upang bumangon ang mga Bicolano. Ito ang isang bagay na wala kay Duterte. Hindi siya marunong umalalay.
***
Hindi kami bago sa relief operations. Hayaan ninyong sariwain namin ang aming alaala noong pumunta kami sa Tacloban City upang maghatid ng tulong matapos itong dumapa dahil sa bagyong Yolanda noong 2013. Narito ang aming salaysay:
I was in Tacloban with friends for relief operations days after the typhoon struck. It was irritating to hear over the radio how the government was being butchered on its alleged ‘slow response’ by people in Manila, who were not even there in the first place. Hindi nila nakita ang nangyari doon – people walking like zombies; tulala, walang direksyon at gutom dulot ng dinanas na delubyo.
We could not move around. Halos hindi makatawid sa bayan-bayan dahil sarado ang mga kalsada sa nagkalat na mga labi. May mga sasakyan na nakadapo sa mga puno. May barko na halos pasukin ang palengke. Goverment agency offices were concentrated in one area pero mga giba at walang mga tao. We realized they were victims themselves.
Marami ang nawalan ng miyembro ng pamilya kabilang sila. It was total chaos. Walang gobyerno in the sense na hindi alam kung saan ahensiya pupunta ang mga tao. Sa kabila ng marami ang namatay at nawawala sa kanilang pamilya, simple lang ang kailangan nila, ang malinis at ligtas na maiinom na tubig. Water was freely flowing from busted pipes ngunit hindi ligtas inumin dahil may nakalutang na mga patay.
But officials from Malacañang who were at the city ahead of us showed that they were on top of the situation by taking over the provincial capitol and sending the Armed Forces to put order after which foreign help started coming in pati mga military personnel nila.
It was a sight to behold seeing warships from opposing countries anchored alongside each other and military planes landing and taking off every 15 minutes to bring relief goods. Halos ang mga mayayamang bansa ay naroon – Australian, United States of America, European Countries even China – mga bansang halos hindi na namin nakikita sa tuwing may sakuna o kalamidad sa bansa sa ngayon. Like any other groups from as far as Ilocos, we were there, magbabarkada, to help in our own little way…feed the hungry victims. NO POLITICS.
Inakala na matibay dibdib ko. Pero nang makita namin ang kalagayan, napraning at hindi napigilan na umiyak sa awa sa mga nasalanta. Sa unang mga araw hindi makakain sa sobrang baho ng syudad sa nagkalat na mga patay. May umaaligid pa na mga aso na may bitbit na iba’t ibang parte ng katawan ng tao. Walong araw na walang ligo. Umuwi kami ng Maynila nang maubusan ng probisyon. Bumalik kami Disyembre 26 nang makaipon uli ng madadala, that time with same group as volunteers to the efforts of the officers and as members of the National Press Club.
Nakabalik kami ng Manila Disyembre 31 ng gabi, nagpuputukan na at walang kapera-pera ngunit magaan ang pakiramdam dahil sa maliit na paraan ay nakapaghatid ng saya at tulong sa mga nasalanta. Isinaalang-alang ko iyon na pinakamasayang yugto ng buhay ko.
Hindi namin lubos-maisip na sa panahon iyon ay may mga elemento na nakuha pa na ma-molitika. Walang humpay ang batikos sa gobyerno. Ang lubos na maingay ay iyong mga wala doon na kahit isang lata ng sardinas ay wala rin naitulong. Sa muli, iyong mga kumakahol na walang ginawa ang gobyerno ni PNoy, mali sila. Maling mali dahil pinolitika nila ang sitwasyon. May mga politiko na namuhunan sa paninira kaya ang naging resulta ay mas malaking sakuna: pangulong laging nakahiga.”
***
MGA PILING SALITA: “For about a decade now, technology has been a tsunami, devastating and reshaping industries: music (Apple, Spotify), hotels (Airbnb), transportation (Uber, Grab), and so many more. News organizations lost their gatekeeping roles to technology. That upended the information ecosystem and the distribution of facts. It began to reshape systems of governance and change the geopolitical power balance. ” – Maria Ressa
“Menardo Guevarra’s statement that the anti-corruption task force he heads would start with corrupt lawmakers and corruption cases involving billions of pesos point to Alan Peter Cayetano, Bambol Tolentino et. al. Let’s hope Guevarra would not succumb to some backroom politics and horsetrading. Let’s hope he would not be corrupted by blandishments of bribe money.” – PL, netizen