Advertisers

Advertisers

Absuwelto kay PIM

0 308

Advertisers

Just because you don’t feel guilty doesn’t mean what you are doing is okay. — Anonymous

PASAKALYE

Text Message . . .



Sir Tracy, salamat po sa paglathala ninyo ng mga text ko. TO SERVE AND PROTECT. Ang ganda ng sinulat ninyo, hindi mapapasinungalingankahit ng kalikasan. Totoo ito na ang mottlo nila ay pansariling kapakinabangan nila. Korek! At ang pagpapatupad nila ng protocol (ay) sila mismo ang lumalabag dito. Gan’yan sila ka-siga at (ang) kapal ng mukha. Si General BONDAT SINAS, pinagtanggol pa nina Gen. GAMBOLA at ELEAZAR. Ang sabi ng mga gago, wala raw silang makitang mali sa ginawa ni Gen. SARDINAS. Sati ang “to serve and to protect” ay makikita natin(g) nakapaskel sa labas ng presinto o headquarter. Ngayon (ay) inalis na nila. Siguro nainsulto sila sa motto na iyon dahil hindi totoo. Hahaha. Aminado (ang) mga gago. Lahat ng bata ni PIM (ay) hindi puwedeng galawin, kasuhan at ikulong—dahil siya na ang judge na humahatol sa mga kawalanghiyaan ng mga opisyal. Kahit anong bigat ng kasalanan, absuwelto sila kay PIM. Iyang DoJ at Ombudsman, palamuti lang ang mga ‘yan. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, October 29, 2020)

Text Message . . .

Itong Nobyembre 9, magkakaroon uli ng clearing operations. Ito(ng) DILG parang mga demonyo, walang puso, walang awa, walang konsensya—lahat wala sa kanila. Hindi pa nga nawawala ang covid pandemya, maglilinis na naman kayo ng kalsada at dapat daw maging malinis at madadaanan ng sasakyan. Sa panahon ng pandemya, marami (ang) nawalan ng trabaho. Ang mga pobre lalong naghirap. Sa ngayon marami ang nakaisip na magtinda na lang muna sa labas ng bahay nila para mabuhay naman. Wala kasing suportang ibinigay ang gobyerno na makakakain ang mahihirap. Halos sa bulsa lang nila napunta ang malalaking pondo na nakalaan sa pandemya. Pero ang nangyari (ay) kinurakot . ‘Di ba DSWD? Hindi kasi kayo ang nasa katayuan ng mga nawalan ng trabaho na gutom. Kasi kayo (ay) makukuwarta at hindi kayo apektado ng kagutuman. Nornal pa rin ang pamumuhay ninyo, walang nabago, masasarap pa rin ang nilalamon ninyo na galling sa kurakot. Kami ano? Gutom! Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, October 29, 2020)

REAKSYON:

Well said . . . Salamat din sa pagbasa at suporta sa Pangil!



* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!