Pres. Duterte may hawak ng shortlist ng mga kandidato bilang susunod na PNP chief

Advertisers
MAY hawak ng shortlist si Pangulong Rodrigo Duterte na mga kandidato para sa mauupong susunod na chief ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang ginawang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil magreretiro na sa susunod na linggo si Outgoing PNP Chief Camilo Cascolan.
Sinabi ni Roque tinitiyak niya na na may hawak ng listahan ang Pangulo na mga kandidato sa pagka-PNP Chief na kaniyang pagpipilian.
Ani Roque, sa ngayon hindi muna siya makapagbibigay ng anumang impormasyon kung sino ang napipisil na papalit kay outgoing PNP chief Cascolan.
Dagdag pa niya hintayin na lamang ang magiging desisyon ng Pangulo na kaniyang itatalaga.
Kung matatandaan, hinirang ni Pangulong Duterte si Cascolan bilang PNP chief noong Setyembre at sa darating na Nobyembre 10, ang opisyal na pagbaba sa pwesto ng kaniyang mandatory retirement age na 56. (Vanz Fernandez)