Advertisers

Advertisers

86 personalidad sa ‘Pastillas scheme’ pinakakasuhan na ng NBI sa Ombudsman

0 208

Advertisers

PINAKAKASUHAN na ng NBI Special Action Unit (NBI-SAU) sa Office of the Ombudsman ng kasong administratibo at criminal ang 86 personalitidad na sangkot sa umano’y pastillas scheme.
Sa 27-pahinang reklamo ng NBI-SAU na inihain sa Ombudsman, pinangalanan ang mga matataas na opisyal ng Bureau of Immigration na bahagi umano sa pastillas group at na-tag ang dating Division Chief of Port Operations Division na si Marc Red Mariñas, Immigration Officer 2, bilang mastermind.
Dawit din umano ang lahat ng mga terminal head ng terminal Control and Enforcement Unit sa NAIA 1, 2 at 3 at ang over-all head ng BI Border Control and Intelligence Unit bilang bahagi ng sinasabing umano’y sindikato.
Sinabi ni NBI SAU chief Atty. Jun Donggallo Jr. na ang kaso laban sa 86 personalidad ay napagtibay sa mga rebelasyong ginawa at ebidensya na ibinigay ng pangalawang whistleblower na si Immigration Officer Dale Ignacio.
Sinabi ni Donggalo na si Ignacio ay nagsilbing “insider” at ginagampanan ang isang mahalagang papel bilang tagabantay ng mga listahan ng mga Chinese nationals na pinaboran ng grupo.
Kinumpirma rin ni Ignacio ang mga rebelasyong ibinahagi naman ng unang whistleblower na si Immigration Odfficer Allison Chiong.
Hiniling naman ng NBI sa Ombudsman na alisin si Ignacio sa listahan ng sasampahan ng kasong kriminal sa Ombudsman at sa halip ay magamit ito bilang state witness.
Sa panig naman ng BI, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na hindi pa nila natatanggap ang reklamo gayunman agad umanong tatanggalin ang nasabing mga opisyal mula sa kanilang puwesto kung hindi pa sila na-relieve.
Ang BI ang nagpapatupad ng “one strike policy” laban sa mga tiwaling tauhan nito.
Sinabi naman ni NBI Director Eric Distor na hahabulin nila ang natitira pang miyembro ng Pastillas group kabilang ang mga pribadong indibidwal, travel agencies at posibleng protektor ng pastillas scheme. (Jocelyn Domenden)