Advertisers

Advertisers

James super proud… Nadine umabot sa milyon ang views ng visual album

0 234

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAHIGIT isang milyong views agad ang hinakot ng ‘Wildest Dreams’ visual album ni Nadine Lustre sa Youtube Channel ng Careless.

Kaya naman sobrang proud ng jowa ( o ex na ba?) niyang si James Reid. Sa katunayan, panay nga ang post ni James ng mga achievement ni Nadine sa pinakabago niyang album.



Mapapanood sa 30-minute mini-movie ang 12 new songs ni Nadine at ang anim na pinagtahi-tahing music videos na inilalarawan ang pinagdaanan niya para kilalanin at mahalin ang sarili.

Bagong experience ang hatid ng bagong album ni Nadine lalo pa’t tampok sa mga kanta rito ang mga kakaibang tunog gaya ng recordings ng mga beach at bundok sa Pilipinas at mga katutubong instrumento.

Isang mapangahas na Nadine ang makikita sa Wildest Dreams. Inihalintulad nga ito ng ibang fans sa visual albums ni Beyoncé, at sa mga sexy na persona na inilalabas ni Arianna Grande sa kanyang mga music video.

***

“MY LOCKDOWN ROMANCE” ang pinakabagong handog ng Star Cinema. Ito ay kwento ng pag-aayos ng mga nakalimutang pagkakaibigan at pagharap muli sa mga nararamdamang ibinaon na sa limot.



Bida rito sina Jameson Blake at Joao Constancia. Sila ang partners dito. Mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr. ang nasabing pelikula.

Sa ginanap na virtual presscon ng My Lockdown Romance, hindi sinabi ng dalawa kung may kissing scene sila sa pelikulang pinagbibidahan. Panoorin na lang daw para malaman kung meron o wala. Pero sinabi naman ni Joao na handa siyang makipaghalikan kay James sa harap ng kamera sakaling hilingin, o nasa script talaga.

So, parang pag-amin na rin niya na may ganoong ekena sila ni James.

“Yes, I’m willing to do it. Kung para sa pelikula, kung okay ang script, no problem po. I’m willing po,” sabi ni Joao.

Ang hindi lang daw niya kayang gawin ay ang makipagrelasyon sa kapwa lalake.

“Hanggang friendship lang po talaga ang pwede.”

Mapapanood na simula November 13, 2020 ang “My Lockdown Romance” sa halagang P150. Maari itong mapanood sa mga sumusunod na Cinexpress channels: KTX.ph (ktx.ph), iWant TFC (tfc.tv), Channel 190 and Channel 290 for HD on Cignal PPV (my.cignal.tv), and channel 158 and channel 258 for HD on Sky Cable PPV (mysky.com.ph).