Advertisers

Advertisers

Jodi enjoy sa paglalaro ng ‘birdie’ ni Raymart

0 255

Advertisers

By Jovi Lloza

HINDI na nga taliwas sa madla ang pagkakaroon ng relasyon nina Jodi Sta. Maria, 38 at Raymart Santiago, 47.

Kapwa hindi na nga itinanggi ng dalawa ang namamagitan sa kanila.



At pareho namang kasal ang dalawa sa dati nilang mga partner.

Pero ang nakakaloka na ikinagulat ng netizens sa video na post ni Jodi kung saan ay grabeng pagka-enjoy nito.

As in, tuwang tuwa naman ito na nilaro ang birdie ni Raymart Santiago.  Isa  kasi sa kinahihiligan ni Raymart ay pag-aalaga ng ibon partikular ang parrot na tine-train nito.

Sa bidyo nga ay kita ang pagtuturo ni Raymart sa kanyang ibon na pinalipad at pinadapo sa mga kamay na nakaabang ni Jodi.

Hindi naman maipaliwanag na kasiyahan ang nadama ni Jodi at enjoy ito sa birdie ni Raymart.



Wish naman ng netizens na a long and lasting love na ang relasyon ng dalawa.

Deserving naman na maging happy ang dalawa at pareho silang walang commitment kaya go and be happy na lang.

***

Dingdong Dantes ‘di kakayanin maging OFW

BUMILIB si Dingdong Dantes sa mga OFW na nawawalay sa kanilang pamilya ng ilang taon.

Kaya baka nga raw ‘di kayanin ni Dingdong ang ganun katagal na taon ang itatagal na hindi masisilayan ang pamilya.

Kung ang dalawang linggo nga lang daw na lock in taping para sa serye nitong Descendants of the Sun ay grabeng pagka-miss na nito sa pamilya.

Sa tagal nga raw na nakasama ni Dingdong ang kanyang pamilya nung lockdown dahil sa pandemic ay parang nasanay na ito na gusto nang laging kasama ang pamilya.

Sa 20 years nga raw nito sa showbiz ay never pa yata ito napirmi ng bahay kaya naman nitong pandemic ay nakasanayan na ni Dingdong na laging kapiling ang dalawang tsikiting at esmi na si Marian Rivera.  Well, well, well…’Yun na!