Advertisers
Nasa P11-bilyon ang kabuuang pinsala sa agricultura at imprastraktura sa pananalasa ng bagyong Rolly sa bansa batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa ipinalabas na report ng NDRRMC, umabot na sa P8,473,811.78 ang pinsala sa imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Eastern Visayas, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Habang P2,936,171,400 ang pinsala sa agrikultura sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas.
Nasa kabuuang 44,712 ektarya ng agricultural land ang napinsala ng bagyong Rolly.
Samantala nasa 44,033 kabahayan ang napinsala kung saan 14,064 kababayan ang tuluyang nawasak habang 29,969 kabahayan ang partially damaged mula Mimaropa, Bicol, at CAR.
Nanatili naman 20 katao ang nasawi habang umabot sa 165 ang sugatan habang 3 missing sa Region V, Calabarzon, at Mimaropa. (Mark Obleada)