Advertisers

Advertisers

$13,500 ITINAGO SA 2 PACKAGES, NASABAT SA NAIA WAREHOUSE

0 235

Advertisers

MULING nakasamsam ang Bureau of Customs—Port of NAIA ng dalawang packages na naglalaman ng foreign currencies na aabot sa US $13,500 mula sa Fedex warehouse na nasa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) sa lungsod ng Pasay.
Ang dalawang packages ay parehong idineklarang sulat na dumating noong Oktubre 23 at 29, 2020, galing Jefferson City, USA kung saan naka-consign sa iisang tao na nakatira sa Poblacion, Muntinlupa City.
Ang unang package ay nadiskubre sa pamamagitan ng physical examination kung saan naglalaman ng 75 pirasong tig $100 bills habang ang pangalawa naman ay naglalaman ng 150 pieces na tig $20 bills, 20 pieces na $50 bills at 20 pieces na $100 bills.
Nauna rito, ang Port of NAIA ay nakasabat ng US 8,000 dollars nitong nakalipas na buwan ng Setyembre na itinago lamang sa mga pahina ng magazine. Tinatayang sa kabuuan ay umabot na sa 31,200 US dollars o katumbas ng Php1,560,000 million piso ang nasamsam sa magkakahiwalay na packages mula sa NAIA warehouses.
Muling pinaalalahanan ng BOC-NAIA ang publiko sa ilalim ng BSP Manual of Foreign Exchange Transaction, ang pag import ng mga foreign currency ay kailangan lamang na ideklara ang halaga nito gamit ang Foreign Currency Declaration Form.
Ang Port of NAIA ay magpapatuloy na maging masigasig sa pagtupad ng mandato na mahigpit na ipatupad ang mga batas at patakaran sa regulasyon sa mga hangganan ng bansa. ( Jojo Sadiwa)