Advertisers

Advertisers

Babae sinuntok ang kinakasama ng utol; pulis at brgy. opisyal minura

0 226

Advertisers

Inaresto ang isang babae nang pagsusuntukin ang isa pang babae sa Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Lovely Lofranco, 29-anyos.
Ang suspek, kapatid ng kinakasama ng biktima na kinilalang si Amy Nepacena, 33-anyos.
Ayon sa biktima, nasa bahay at kumakain siya sa Barangay San Miguel nang dumating ang suspek na lasing at doon na nagwala at nanakit.
Nakuhanan pa ng video si Nepacena habang ginugulo ang gamit sa bahay at pinag-aalis umano ang kordon ng kuryente.
Maging ang mga kagawad ng barangay at pulisya pinagmumura umano ni Nepacena.
Sa loob ng kulungan, itinanggi ni Nepacena ang paratang laban sa kaniya at sinabing wala siyang naaalala.
Desidido naman si Lofranco na kasuhan ang suspek dahil ilang beses na raw nitong ginawa ang panggulo at pananakit sa kaniya.
Mahaharap ang suspek sa reklamong alarm and scandal at paglabag sa curfew. (James de Jesus)