Advertisers
Pinatay ang isang dating barangay chairman sa harap ng kaniyang anak sa Guipos, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang biktima na si Junmar Pintac.
Ayon sa ulat, nasa trabaho sa ginagawang kalsada ang biktima nang dumating ang dalawang salarin na sakay ng motorsiklo.
Tinawag ng isa sa mga salarin ang biktima at nang lumapit si Pintac, saka pinagbabaril nang malapitan.
Kaagad na nasawi ang biktima dahil sa walong tama ng mga bala sa katawan.
Ayon sa anak ng biktima, wala siyang alam na kaaway ng kaniyang ama.
Inaalam pa ng pulisya ang motoibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.(PFT team)