Advertisers
Patay ang kolehiyala na kandidata sa pagiging summa cum laude nang pagsasaksakin at pagnakawan sa loob ng kanilang bahay sa Olongapo City.
Kinilala ang biktima na si Jennifer Dela Cruz-Ablaza, na nakatakda sanang magtapos sa kursong BS Education. At ang salarin kinilalang si Ronnel Cabarrubias y Semera.
Natagpuan ang biktima na wala nang buhay at may mga saksak sa leeg noong November 2 sa loob ng kanilang bahay.
Sa report, tinangay pa ng salarin ang P4,000 halaga ng pera at mga alahas, pero naiwan niya ang isang itim na leather wallet.
Ayon sa ulat, tinukoy naman ng kapatid ni Jennifer na pagmamay-ari ng dating nobyo ng biktima ang wallet.
Nadakip sa San Marcelino, Zambales.
Nahaharap sa kasong robbery with homicide ang salarin.(PFT team)