Advertisers

Advertisers

Pulis at Gf, killer ng Cameroonian sa Pasay

0 327

Advertisers

Natukoy na ang salarin sa napatay na Cameroonian sa Pasay noong nakaraang linggo.
Sa ulat, Oktubre 26 nang barilin sa ulo ang banyagang si Divine Injua Komfum alyas “James” habang naglalakad siya sa bangketa sa Libertad.
Sa imbestigasyon, nalaman na bago ang pamamaril ay hinihintay na ng gunman si Komfum nang lumabas sa isang hotel kung saan nakipagkita ito sa isang kasosyo.
Katagpo ni Komfum ang isang Katrina Fernandez, na nagsampa sa kanya noon ng reklamong estafa.
“Involved ito sa fraud. Ang ginagawa niya, hinihikayat niya ang mga investors na magbigay sa kanya ng dollar and then ido-double niya ang dollar. Mayroon siyang chemicals, mga white sheets then insert ang pera and nadodoble ang pera,” ani Police Col. Ericson Dilag, hepe ng Pasay police.
Natunton ng mga pulis ang may-ari ng sasakyan na ginamit ng gunman para tumakas. Natuklasan na nirentahan pala ito ni Fernandez bago ang krimen.
Sa report, hindi lang sangkot si Fernandez sa pamamaril, pero ang nobyo nitong si Police Cpl. Leonel Layson, na nakadestino sa Muntinlupa ang namaril.
“Nakikita natin dito na motive, it’s either si Katrina may investors na ‘yung pera nila binigay kay James, nasunog ni James. ‘Yung next binalikan nila si James or hawak-hawak ni Katrina ang pera at sinabi sa investors na andun sa kanya ang pera,” paliwanag ni Dilag.
Nagsabing susuko si Layson pero hanggang ngayon hindi pa ito nagpapakita sa mga awtoridad.
Hinahanap ng pulisya ang service firearm nito kung tutugma sa mga narekober na bala sa crime scene.
“He was suspended Nov. 1-5 for neglect of duty… Pinatawag siya, hindi na siya nagre-respond. Waiting for warrant of arrest. Tine-trace na rin kung nasaan siya,” sabi ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas.(Gaynor Bonilla)