Advertisers
Patay ang 49-anyos na lalaki nang barilin habang umiihi sa Brgy. 6, San Nicolas, Ilocos Norte nitong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Antonio Bonilla, residente ng naturang barangay.
Sa ulat, 10:00 ng gabi nang mangyari ang pamamaril.
Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima nang tumayo at magpunta sa maisan malapit sa kanilang pinag-iinuman para umihi.
Habang umiihi, bigla na lang binaril ng hindi kilalang salarin na nagtatago sa maisan.
Patuloy na iniimbestigahan ng San Nicolas Municipal Police Station ang nangyaring krimen para alamin kung ano ang motibo at tukuyin kung sino ang salarin.