Advertisers

Advertisers

Lloydie naispatan, kumakain ng streetfood sa Palawan; Aiko ayaw nang magkontrabida

0 271

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa mga posted pic ni John Lloyd Cruz sa kanyang social media ay maraming napahanga na netizens sa pamumuhay ng aktor ngayon.

Nasa Palawan ngayon si John Lloyd at kita  sa kanyang mga larawan na tila masaya na siya sa kanyang simpleng pamumuhay.



Tatlong taon na ang lumipas nang magdesisyon ito na mag-leave of absence sa showbiz simula ng 2017.

Simula ng desisyon na ‘yun na pansamantalang huwag muna ito mag-active sa showbiz ay simpleng pamumuhay na ang tinatamasa ni John Lloyd.

Nakunan ang aktor ng larawan na kita ang pagkain nito ng street food na talagang kinarir na ang pagiging simpleng mamamayan.

Sa isang larawan ay makikita na kumakain si Lloydie sa isang karinderya sa isang lugar sa Palawan.

Nasa Palawan si John Lloyd at nagpapagawa ng bahay kasama na rin ang itatayo nitong negosyo.



Marami man nanghihinayang sa mahusay na aktor at mas pinili ang simpleng buhay sa Palawan ay hinangaan naman ito ng netizens.

***

NAGSABI si Aiko Melendez na huling pagmamaldita o pagiging kontrabida na niya ang Prima Donnas.

Naging mahusay naman kasi si Aiko as kontrabida kaya siguro nagkasunud-sunod ito.

Pero ‘di naman niya masabi at baka may another project na magkontrabida na naman ito.

Kung si Aiko nga ang masusunod ay last na sana ang Prima Donnas.

Katuwiran ng aktres, baka nga raw maumay na ang manonood kaya gusto nito ng panibagong challenging role.

Samantala, gusto ring sumubok magprodyus ni Aiko  at siyempre, bagito pa siya sa nasabing larangan kaya kailangan ng masusing pag-aaral at pagpaplano.

Kahit nga si Ruffa Gutierrez ay excited na matuloy ang project na pagsasamahan nilang tatlo–Aiko, Ruffa at Carmina Villarroel.

Matutuloy siguro ang nasabing project after ng pandemya.

Biro pa ni Aiko na tinatawaran pa raw niya ang talent fee ni Ruffa.

Well, kung matuloy ito ay inaasahan naman ng netizens na riot at patok dahil sila rin tatlo  ang magkakasabay na pumasok sa showbiz  nung dekada 90’s.

Well, well, well…’Yun na!