Advertisers

Advertisers

‘My Korean Jagiya,’ mapapanood na ulit sa primetime

0 225

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NGAYONG Nobyembre, mapapanood muli sa GMA Telebabad ang ground-breaking Kapuso series na “My Korean Jagiya” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Alexander Lee bilang sina Gia Asuncion at Korean superstar na si Jun Ho.

Kuwento ito ng isang fan girl at ng idolo niya, at kung paano mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa. Kasama rin sa serye sina Janice De Belen, Ricky Davao, Valeen Montenegro, Iya Villania, EA Guzman, Jinri Park, at marami pang iba.



Abangan ang pagbabalik ng ‘My Korean Jagiya’ sa GMA Telebabad ngayong November na!

***

Running Man at Music Bank, napapanood na rin sa GMA News TV

Good news para sa mga fan ng Hallypop channel ng Kapuso Network dahil simula kahapon, Sabado, Nobyembre 7, nagkaroon na ng simulcast airing ang ilan sa mga patok nilang programa sa GMA News TV.

Maging updated sa Asian pop culture sa pagtutok sa mga dekalidad at kaabang-abang na mga programa hatid ng GMA katuwang ang Jungo TV.



Tunghayan ang mga exciting at nakatutuwang episodes sa hit Korean show na ‘Running Man’ kung saan sasabak ang mga guests at sikat na celebrities sa iba’t ibang entertaining missions at games kasama ang cast members at hosts. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes at 5:00PM, tuwing Sabado at 4:00pm at 3:00 PM kada Linggo.

Tiyak na papatok din sa music lovers ang mga nakahandang world-class performances sa programang ‘Music Bank’ na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 PM.

Huwag magpapahuli sa Hallypop wave at panoorin ang iba pa nilang content offerings na available 24/7 sa Hallypop channel sa GMA Affordabox at iba pang digital TV receivers.