Advertisers

Advertisers

Cong. Yul Servo tinutukan ang 20% discount ng mga atleta at coach

0 767

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MAS magfo-focus ngayon ang award-winning actor/public servant na si Yul Servo sa kanyang pagiging mambabatas sa pagtatalaga sa kanya bilang Chairman ng Youth Committee on Sports and Development.

Nagsagawa ng pagdinig si Cong. Yul o Rep. John Marvin C. Nieto ng 3rd District ng Manila sa pinamumunuang Komite noong November 4, 2020, hinggil sa pagpapatupad ng RA 10699, ang batas na nagbibigay insentibo sa mga pambansang atleta at coaches.



Sa ginanap na video conference, napag-usapan dito ang ukol sa pagpapatupad sa 20% diskuwento para sa mga atleta at coaches. Ang nasabing diskuwento ay maaaring magamit sa lahat ng uri ng pampublikong transportasyon, mga hotel, restaurants, at mga sentro ng libangan, pagbili ng mga gamut, at kagamitan sa palakasan. Tinalakay din ang scholarships at financial assistance sa mga mag-aaral na manlalaro, benepisyo sa pagreretiro, at tulong sa mga pamilya ng mga namatay na atleta at coaches.

“Bilang tagapangulo ng Komite, hangad ko na maisulong ang kapakananan ng lahat ng mga Filipinong atleta, miyembro man sila ng “National Training Pool” o baguhan na atleta. Dahil dito, minabuti ko na marinig mismo mula sa ating mga atleta kung may mga isyu sila na nais iparating sa ating Komite,” sambit ni Yul.

“Ating napag alaman na ngayon pa lamang inilabas ang regulasyon para sa diskuwento ng mga atleta at coaches bagamat limang taon na ang RA 10699, kahit sa naunang batas na naipasa noong 2001, ang 20% diskuwento ay nakasaad na rin sa RA 9064,” dagdag pa ng masipag na mambabatas.

Samantala nalaman din ng Komite na hindi pa natatanggap ng ilang atletang nagwagi sa 2019 SEA Games ang pinasyal na insentibo na ipinagkakaloob sa nasabing batas.

“Kung ang pinansyal na insentibo ang pag-uusapan, sa aking pananaw ay wala dapat maging balakid sa implementasyon nito dahil sa hindi na ito nangangailangan ng IRR,” wika pa ni Servo.



Iminungkahi din ni Chairman Servo na maaaring hingin ng PSC ang tulong ng Philippine Information Agency (PIA) para ipaalam sa publiko ang mga benepisyo para sa mga atleta at coaches na nakapaloob sa RA No. 10699.

Anyway, kung hindi kami nagkakamali, huling napanood si Yul sa tinampukang HBO Asia Original movie titled Food Lore: Island of Dreams na pinamahalaan ni Erik Matti. Isa itong 8-episode hour-long series na pinagbibidahan din nina Angeli Bayani at Ina Feleo. Plus, sa BL series na My Day na tinampukan nina Miko Gallardo at Inaki Torres.