Advertisers
NAGTAGUMPAY si Thirdy Ravena sa kanyang B. League debut matapos akayin ang San-En NeoPhonix sa manipis na 83-82, laban sa maangas na Shimane Susanoo Magic, Sabado ng gabi sa Yonago Industrial Gymnasium.
Nanalasa si Ravena sa fourth quarter, na umiskor ng 13 points sa final frame para sa NeoPhoenix.
Pero si Hayato Kawashima ang tumapos ng trabaho para sa San-En, nagsalpak ng dalawang game-winning free throws sa 3.6 segundong nalalabi.
Si Stevan Jelovac ang nanguna sa opensa ng NeoPhoenix, na umakyat sa 2-9 sa standings, sa kinamadang 22 points, eight rebounds, one assists at one steal.
Kyle Hunt nagdagdag ng 15 points, nine boards at one steal.
Kawashima nagtapos ng 13 points, one rebound, four assists at four steals.
De’Mon Brooks kumamada ng 19 points, eight carooms at one steal para sa Susanoo Magic, na sumadsad sa 5-6.