Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA Instagram account ni Sharon Cuneta ay makikita ang mga collection nito sa K-Pop na partikular ang boyband na Shinee.
Pero tila may basher na tila hindi nakatiis ang binash ang Megastar.
Sa edad nga raw nitong 54 ay tila hindi na bagay na maging fan pa ito ng mga K-Pop.
Masyonda na nga raw si Sharon para maging K-Pop fan ng Shinee.
Halos lahat naman ng collections ng nasabing boyband ay kumpleto si Ate Shawie.
Nasagwaan siguro ang basher na may edad na ang Megastar para umasta pa na feeling bagets.
Binuweltahan naman ni Sharon ang basher at sinabi nito na walang katorohanan na namimili ng edad kapag ikaw ay humanga.
Sabi pa ng Megastar na nung twenties at thirties nito ay halos lahat ng kanta at sayaw ng lahat genre ay ginagawa nito.
May isa namang follower ang ipinagtanggol ang kanyang idolo at sinasabi nito sa basher na kung ang lola nga raw niya na 78 years old ay iniidolo pa rin ang nag-iisang Star For All Seasons na si Ate Vi.
Eh ano naman daw kung maging K-Pop fan si Megastar? Walang masama at walang pinipiling edad ang paghanga sa isang sikat na personalidad.
Dedmahin at huwag na nga lang daw pansinin ng kanyang idol Sharon ang nangba-bash.
Go,go, go at tuloy lang ang kanyang paghanga sa Shinee boyband at be a proud fan ng K-Pop ayon pa sa follower ni Megastar.
***
PINABORAN ng netizen ang pagtanggi ni Ruffa Gutierrrez na makahalikan si Bobby Andrews.
Naging palaisipan sa netizen kung sino bang actor ang ayaw makahalikan ng anak ni Annabelle Rama.
May katuwiran naman si Ruffa na umatras o umurong sa halikan nila ni Bobby.
Kahit naman ang actor ay aware na walang body contact sa isa’t isa lalo na’t may pandemya.
Saka hanggang ngayon ay patuloy pa rin na sinusunod ang health protocols kaya bawal ang kissing scene.
Naintindihan naman ni Bobby for sure ang ipinatutupad na health protocols ng gobyerno.
Kaya sinang-ayunan ng netizen ang pag-atras at pangtanggi ni Ruffa na makahalikan ang aktor.
Well, well, well… ‘Yun na!