Advertisers

Advertisers

James na-prank ni Billy, nautangan ng P5-M

0 240

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

DAHIL sa pandemic ay lock-in shooting na ang karamihang serye ngayon.

Kahit ang serye na Love Of My Life  ay makararanas din ng lock-in taping o shooting.



May 22 days naman sa location ang cast ng LOML na pinangungunahan nina Coney Reyes, Rhian Ramos, Carla Abellana at Mikael Daez.

Ready na ang cast sa kani-kanilang bitbitin.

Pero si Mikael ay ayaw magdala ng maraming bitbitin para na rin walang hassle sa mister ni Megan Young.

Pero sinigurado nito na kailangan ay mas marami siyang dalang underwear sa kanilang taping.

Si Rhian naman ay mini-washing machine na ang dadalhin na bitbitin.



Katuwiran ng aktres na kung need nga raw nito mag-wash ng maliliit lang ay ubra na sa kanyang washing machine.

Portable cooker naman ang dadalhin ni Carla para nga raw pag may nagutom at gustong magluto ay madali na dahil sa kanyang portable cooker.

Kung si Coney ay nalilito kung ano ang kanyang dadalhin sa lock-in shooting baka nga raw pag nandun na sa location ay saka nito hanapin.

Pero sinigurado ng beteranang aktres na hindi mawawala sa kanyang bitbit ang pagkain.

Dahil ready na ang lahat ng cast ay gigiling na ang kamera para sa nasabing serye.

***

TRENDING  sa social media ang ginawang prank ni Billy Crawford sa kanyang kaibigan na si James Reid na on the spot ay tinawagan nito habang nasa show ng LOL.

Nanghihiram  ng P5M si Billy kay James.

Halos lahat ng rason ay sinabi ni Billy na matagal na itong walang work at pera simula ng pandemic.

Dagdag pa raw ang panganganak ng esmi na si Coleen Garcia.

Wala na nga raw itong malapitan kundi ang  kaibigan na si James at babayaran naman niya raw ito sa pagbebenta ng kanyang car.

Dahil sa prank ay never natiis ni James ang kaibigan at wala nga raw itong ganun halaga dahil ang lahat ng pera nito ay nasa Australia.

Pero sa kakahirit ni Billy ay hindi nakatiis ang kaibigan at kukunin nga raw ni James ang kanyang kaperahan sa Australia.

Maghintay nga raw ng lunch si Billy at saka nga umamin ang host na pina-prank lang nito si James.

Dahil sa prank ay napatunayan ni Billy na true friend niya pala si James at hindi siya kayang tiisin pagdating.

Well, well, well… ‘Yun na!