Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SOBRANG na-touched ang Megastar na si Sharon Cuneta sa efforts ng komedyanteng si Donita Rose na ipagtanggol ang kanyang kaibigang si Super Tekla.
Halos ginawa nito para i-abswelto ang kaibigan sa mga akusasyon ng live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag na nakarating pa sa programa ni Raffy Tulfo.
Labis namang humanga si Sharon sa katapatan ni Donita kay Super Tekla bilang kaibigan.
Sey ni Sharon, sa panahong ito, bibihira ka nang makakita ng tunay na kaibigan kaya naman aniya, sobrang blessed si Super Tekla na magkaroon ng bff na tulad niya.
“Hi, Ms. Donita! I hope mabasa mo ito. I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla… he is so blessed to have you in his life. Sana madami pang katulad mo, lalo sa showbiz. Mas gaganda lang ang mundo. I wish you more success and happiness and I enjoy your vlogs so much! Thank you for making me laugh. Lots of love.”
Nang mabasa ni Donita ang mensahe sa kanya ni Shawie, labis naman niya itong ikinatuwa lalo pa’t hindi niya inaakalang ang papuri ay manggagaling sa Megastar.
Kaya naman, sa galak, ibinahagi niya ito sa kanyang social media account.
“Mga BESHIES!!!!!!!! JUSKO! Shout out naman sa nag-iisang Mega Star.. Ms. Sharon Cuneta nakaka touch na message grabe dko ma explain ang feelings ko ng nabasa ko to.. Grabe 1st time sa buhay ko may isang kapita-pitagang Mega Star ang nag dm sakin.. woooohh salamat po ng marami madam.. from Donekla in Tandem salamat po ng marami! We love you so much!” sey ni Donita.
Si Donita Nose ay isang kilalang comedian at host na nakilala nang maging co-host siya kasama si Super Tekla sa Wowowin ni Willie Revillame.