Advertisers

Advertisers

Carlo Mendoza out na ang debut single sa digital platforms

0 461

Advertisers

Ni  NONIE V. NICASIO

MASAYA ang newbie singer na si Carlo Mendoza dahil ang kanyang debut single titled Pasensya ay available na sa digital platforms tulad ng Spotify, iTunes, at Youtube.

Last year nagsimula ang showbiz career ni Carlo, sa ilalim ng pangangalaga ni katotong Jobert Sucaldito. Mula rito, ang singer-composer ay naging parte na ng isang musical play at nakapag-release ng single.



Si Carlo ay 22 years old at kasalukuyang nag-aaral sa College of Saint Benilde ng Music Production.

Paano niya ide-describe ang kanyang unang single?

Tugon ni Carlo, “Iyong Pasensya po ay emotional and deep. Kasi lahat po ng mga effects po rito na ginamit ay may meaning po.”

Inusisa rin namin siya kung sino ang musical influence niya at idol na singers and composers.

Saad niya, “Ang mga musical influences ko po ay mostly mixed of international and local artists like Bruno Major, Daniel Caesar, LANY, and Frank Ocean. Sa local naman po ay sina Gary V, Jay R and Ben & Ben. In terms of songwriting, fan po ako ng Ben & Ben.”



Pang ilang komposisyon na niya ang Pasensiya? “Iyong Pasensya po ay one of the first songs na mga naisulat ko, pero ito po yung first song na ini-release ko,” aniya pa.

Ano ang wish niyang mangyari sa kanyang career?

“Siyempre, yung wish ko po na mangyari sa career ko is mabigyan po ako ng malaking platform to inspire people especially the youth and aspiring artists na kagaya ko po. Gusto ko pong magkaron ng impact sa buhay nila through my music.”

May upcoming show ba siya?

Pahayag ni Carlo, “As of now, wala pa po akong shows, pero may music project po ako for myself. EP (Extended Play) po siya na baka po ma-release early next year. Iyon po ‘yung mga song na nasulat ko over the years.”