Advertisers
Ni JOE CEZAR
MAAARI nang mapakinggan at ma-download sa digital platforms ang newest single ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose – ang “Try Love Again.”
“It’s a love song, it’s a hugot song. Medyo acoustic-ish ‘yung vibe n’ya and then soulful, I guess. Mas soul siya kaysa do’n sa mga nakaraan, soulful siya na parang R&B, acoustic, chill gano’n,” ani Julie sa interview ng GMANetwork.com.
Tiyak din daw na makaka-relate sa kanta ang mga brokenhearted na gustong magsimula muli.
Ayon pa sa Clash Master, “Ang message ng song is lahat naman tayo dumadaan sa hardships. Lahat naman tayo ay may heartaches na napagdadaanan. But if you open your heart again, you can try to love again and be open to possiblities kasi ang pagmamahal and’yan lang naman sa paligid natin. So minsan kahit ‘di natin hinahanap, kusa na lang s’yang dumarating sa ‘yo.”
***
Aicelle Santos ready na ang name ng baby girl!
SA virtual baby shower ng mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano, ini-reveal na rin nila ang magiging pangalan ng kanilang baby girl na nakatakdang ipanganak ng Kapuso singer sa Disyembre.
Ibinahagi ni Aicelle ang naging masayang online celebration na ito sa isang Instagram post at pinasalamatan na rin ang mga malalapit na tao sa kanilang buhay, “Still on a high from Baby Zandrine’s online baby shower! Yes! We are naming our firstborn, Zandrine Anne! Our heartfelt gratitude to friends, families, ninangs and ninongs, GMA and STAGES family, sponsors and brands for showering us with their presence, heartwarming messages, gifts and songs. We are truly, truly grateful for each one of you.”
We can’t wait to meet you, Baby Zandrine Anne!
***
Rita Daniela at Ken Chan, may bagong Kapuso serye
May bagong aabangan ang fans ng tambalang Ken Chan at Rita Daniela na kilala bilang RitKen. Matapos kasi ang matagumpay na mga serye nilang ‘My Special Tatay’ at ‘One of the Baes,’ muling magsasama ang dalawa sa bagong Kapuso series na ‘Ang Dalawang Ikaw.’
Aminado ang Kapuso actor na challenging ang role niya sa upcoming series. Gagampanan kasi ni Ken ang karakter na may dissociative identity disorder – isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.
Aniya, “Dahil galing kami sa My Special Tatay, ang pinag-uusapan pa rin dito ay ang mental illness. Mental health ang focus ng istorya, isa na namang very challenging na project ang ibinigay sa amin.
Gaganap naman si Rita bilang si Mia, ang asawa ng karakter ni Ken. Dahil sa split personality ng kanyang asawa, magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister na gagampanan ng Kapuso actress na si Anna Vicente.
“I’ve been wanting to portray a very mature and serious role. Mas na-e-excite ako for Ken kasi napakahusay ng ginawa niya kay Boyet,” saad ng aktres.
Makakasama rin nila sa drama sina Dominic Roco, Jake Vargas, Joana Marie Tan, at Jeremy Sabido.
Blessing para kina Ken at Rita ang magkatrabaho sa gitna ng pandemya. Bukod sa All-Out Sundays, The Clash Season 3, at pagkakaroon ng upcoming movie, inaabangan na ng kanilang fans ang nalalapit nilang muling pagtatambal sa Ang Dalawang Ikaw.
***
Stars ng Legal Wives, sumabak na sa look test
Sumalang na sa look test ang cast members ng inaabangang bigating Kapuso teleserye na ‘Legal Wives.’
Ang cultural drama series, na isa sa mga pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group, ay pagbibidahan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo kung saan makakapareha niya ang naggagandahang aktres na sina Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.
Ang natatanging serye ay iikot sa karakter ni Ishmael (Dennis), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice), Diane (Andrea), at Farrah (Bianca).
Nauna nang sumabak sina Dennis at Bianca sa look test at sumailalim na rin dito ang mga beteranong aktor na sina Cherie Gil at Al Tantay na gaganap bilang mga magulang ni Ishmael na sina Zaina at Hasheeb.
Abangan din sa Legal Wives ang young and promising Kapuso stars at produkto ng StarStruck na sina Shayne Sava at Adbul Raman. Makakasama rin sina Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.
Paano nga ba mapapanatili na payapa ni Ishmael ang kanyang buhay may-asawa? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya?
Abangan ‘yan at ang mga pagsubok na haharapin ni Ishmael dulot ng pagkakaiba ng lahi, kultura, at tradisyon sa Legal Wives, soon on GMA Telebabad!