Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
NAGDIWANG si Angelica Panganiban ng kanyang ika-34 kaarawan noong November 4.
Binati siya ng kanyang best friend na si Kim Chiu thru Instagram. Sabi ni Kim,”Hppy birthday momsy angge! mahal kita alam mo yan!!! isa ka sa mga totoong tao na nakilala ko! Will forever treasure the Tears we shared and most especially the laughter we always have whenever we’re together!”
Nagpasalamat din si Kim kay Angelica sa pagiging totoong kaibigan nito sa kanya at kay Bela Padilla. Kilala sa showbiz na matalik na magkakaibigan ang tatlo, at pinangalanan nila ang kanilang grupo na AngBeKi (Angelica-Bela-Kim).
Ayon kay Kim, deserve daw ni Angelica na “paliguan ng happiness” dahil mabait itong tao.
“Salamat sa pagiging totoong kaibigan! Salamat sinasakyan mo lahat ng trip ko kayo ni momsy @bela. Deserve mo na paliguan ng happiness dahil mabuti kang tao, kapatid, kaibigan, anak, pinsan, artisya ng bayan and many more.
“DI love you moms! mag gate crash ako sa bday mo! Kahit dimoko invite.. punta ako ha??? nasan kaba??!! Hahaha gawaing #angbeki yan!!!! love you momsy!!!! Happy birthday!!!
Wish din daw ni Kim sa kaibigan ang panghabambuhay na kaligayahan.
“wishing you many more happiness to come!!!! Endless laughterzzzzingstsss!!!! wag mo lang ako itatabi kay cindy at sa ate ni cindy the big cat!!!! enjoy your special day momsy!!!!“I miss you and momsy bels!!!! @iamangelicap till our next getaway!!!! (last video made me miss you both more!) yung tawa lang ng tawa!!! Hayy!!! See you soon momsies!!!!”
Maiksing tugon ni Angelica, “@chinitaprincess hey! Salamat moms! Super laugh ako dito!! Kita tayo mamaya please!!! Bibigyan kita ng clue kung nasan ako.”
***
SA bagong handog na serye ng Dreamscape Entertainment na La Vida Lena, na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, kasama rito si Renshi de Guzman.
Gunaganap siya bilang si Rambo, na nakababatang kapatid ni Carlo Aquino, isa sa leading man ni Erich.
Hindi ito ang first time na lumabas siya sa isang serye. Nakagawa na siya noon, ang Boy Love series na In Between, na pinagbidahan nila ni Lance Carr. Sa ginanap na digital media conference ng La Vida Lena, sinabi ni Renshi na nag-lock down taping sila sa Antipolo ng 3 weeks para sa kanilang serye.
“Nu’ng una medyo nakakapanibago na ganoon po ako katagal na nawala sa bahay. Pero habang tumatagal nasanay na rin po ako, kasi naging close ko ‘yung cast at ‘yung crew. Mababait po sila sa akin, lalo na po sina tita Ruby (Ruiz), tito Pen (Medina) kuya Carlo at ate Erich. Tinutulungan po nila ako pagdating sa work. At pati rin po sina direk, gina-guide po nila ako.
Sinasabi po nila kung ano pa ang dapat kong i-improve (sa akting),” sabi ni Renshi.
Isang pangalan lang ang kailangang tandaan sa pagsisimula ng “La Vida Lena,” na mapapanood ng stardard at premium subscribers simula Nobyembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC.
Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWant TFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.