Advertisers

Advertisers

Gov’t work, klase sa public schools suspendido ngayong araw

0 200

Advertisers

SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa ilang lugar sa Luzon bukas, Biyernes, Nobyembre 13 dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Gayundin, suspendido na ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa mga sumusunod na rehiyon: National Capital Region; Region I; Region II; Region III; CALABARZON; MIMAROPA; Bicol at Cordillera Administrative Region
Pero inihayag ng Malakanyang na magpapatuloy pa rin sa operasyon ang mga ahensya na may kinalaman sa basic at health services, at disaster preparedness and response.
Ipinauubaya naman na ng Palasyo ang pagsuspinde ng trabaho sa mga pribadong kumpanya, tanggapan at mga paaralan sa kanilang pamunuan. (Vanz Fernandez)