Advertisers

Advertisers

‘Ka Eric’ at ang Makabayan Bloc

0 219

Advertisers

Mula nang lumutang sa Senado ang isang dating miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) upang ilahad ang mga kabuktutan ng komunistang-teroristang samahan, umani na ito ng sari-saring pagtuligsa sa kanyang pagkatao.

Nagpakilala kasi si Jeffrey “Ka Eric” Celiz sa pagdinig na ipinatawag ng Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation noong nakaraang Martes, at sinabi nito, na sa loob ng 27 taon na pagiging ‘kadre’ ng CPP-NPA-NDF, nalaman nitong nangingikil ang kanilang samahan sa mga telecommunications company ng halagang P300 milyon taon-taon.

Dagdag pa ni Celiz, sa halagang naturan, 40 porsyento umano ang parte ng CPP Central Committee na ang tumatayong ulo ay si Jose Maria Sison, at ang 60% ay para sa mga pang-rehiyong operasyon.



Kaagad naglabasan ang mga mapanirang mga artikulo laban kay Celiz matapos ang kanyang rebelasyon, kasama na ang pagre-recruit ng NPA sa mga murang edad na pito (7) hanggang sampu (10) gulang na kabataang kalalakihan sa mga kanayunan upang gawing mga mandirigma ang mga ito.

Buwelta naman ng mga mapanirang artikulo laban kay Celiz, at sinabing si “Ka Eric” daw ay sanay sa panghuhulog, o diretsahin na natin, sa panghuhudas’, lalo na sa mismong mga amo nito, o sa mga humahawak sa kanyang mga kinakalaban.

Ibig sabihin, hindi raw mapapagkatiwalaan ang mga gaya ni Celiz na kayang gawin ang lahat para lamang mabuhay.

Anuman ang pinagdaanan ni Celiz ay di na kailangang ungkatin. Ang mahalaga ay dapat na itanggi ng kanyang mga naparatangang sangkot sa komunistang-teroristang samahan ang kani-kanilang sarili, sa mismong pagdinig din ng senado.

Gaya na lamang nang sabihin ni “Ka Eric” na ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at Kabataan Makabayan (KM) ang mga pangunahing organisasyong nanghihimok ng mga kabataan at sino pa mang maaaring gawing miyembro ng CPP-NPA-NDF.



Lahatin na natin ang mga organisasyong nasa ilalim ng tinatawag na Makabayan Bloc, ay inginuso ni Celiz bilang cover lamang ng komunistang-teroristang samahan. Ang iba nga sa kanila ay nasa Kongreso na at nagawang iboto bilang kinatawan ng partylist.

Bakit hindi sila lumutang sa pagdinig sa senado upang itanggi ang paratang ni “Ka Eric”? Natatakot ba silang mahuling nagsisinungaling kung itatanggi nila na wala silang kinalaman sa komunistang-teroristang samahan? O ilag silang humarap, dahil may panunumpa muna sa harap ng mga senador na pawang katotohanan lamang ang kanilang sasabihin sa pagdinig?

Kaya ba ganito na ang takbo sa isyu ng mga naisiwalat ni “Ka Eric” Celiz?