Advertisers

Advertisers

Magpakita ka

0 877

Advertisers

HINDI puede na ganito na lamang tayo. Tuwing may aberya – baha, lindol, bagyo, pagputok ng bulkan, o ano pang kalamidad, nauuna pang nawawala si Rodrigo Duterte. Hindi puede na para tayong mga manok na pinutulan ang leeg sa tuwing tataas ang tubig, lilindol na malakas, o anurin ang mga bahay at pananim ng lakas ng baha.

Nasaan si Duterte na pangunahing trabaho ang mamuno at kumumpas sa gitna ng kalamidad? Hindi naman kalabisan na maghanap ang taongbayan sa kanya. Alam namin na matanda at mukhang sakitin na sya. Hindi namin hinihiling na siya ang mamuno sa rescue operations sa mga na-trap na mga bubong sa Marikina. Nais lang namin na makita siya kahit sa telebisyon na siya ang kumukumpas sa rescue at relief operation na ginagawa.

Bakit naglalaho si Duterte tuwing may nasasalanta? Mukhang totoo ang sinasabi na maysakit si Duterte at hindi puede na ma-stress. Mistulang isang ahas na nagtatago sa kadiliman ng lungga sa tuwing may kalamidad ang bansa.



Dahil wala si Duterte, walang magbigay direksyon sa mga ahensiya ng gobyerno at LGUs na may pangunahing responsibilidad sa pagharap sa mga sakuna at kalamidad. Malaki at matinding kamalasan ang mga bagyo, baha, lindol, pagputok ng bulkan, landslide, at iba pa, ngunit pinakamalaking kamalasan ng bansa ang magkaroon ng pangulo sa katauhan ni Duterte.

Pasado ala-una, Huwebes nang magpakita si Duterte upang ipahayag na nais niyang lumangoy sa baha at tulungan ang mga nasalanta ngunit hindi umano siya pinayagan ng Presidential Security Group.

***

MAY bagong bansag kay Pia Cayetano – Pia Putakte. Putak kasi ng putak. Nangahas iprisinta ni Pia ang sarili bilang tagapagtanggol ng karapatan ng mga kababaihan noong mga nakaraang halalan. Subalit malamig pa sa ilong ng pusa ang paninindigan. Hindi nagsalita gaputok kapag may isyu sa kababaihan.

Nagpuputak si Pia nang tumindig sa Senado si Senadora Riza Hontiveros noong Lunes upang humiling ng masusing pagsisiyasat sa maanomalyang pagpapatayo ng New Clark Stadium na gina-gamit sa maalingasngas na 2019 SEA Games. Umabot sa halos P11 bilyones ang gastos sa bagong stadium. Inutang ito ng BCDA at isang kumpanyang Malaysian sa DBP.



Hindi si Alan Peter Cayetano, ang sinibak na ispiker ng Kamara de Representante ang diretsong pinatamaan ni Riza, kundi si Vince Dizon, BCDA chair na sobrang malapit kay Cayetano. Dahil magkakasama sa isang grupo si Dizon at Cayetano, naobligang tumayo si Pia upang ipagtanggol ang kapatid kahit hindi naman dapat.

Pagalit na sumagot si Pia Putakte bilang pagtatakip sa kanyang kapatid na palaging nagsasabi na hindi kumita sa bilyones na ginugol sa SEAG. Walang naniniwala sa dating ispiker na hindi nila kinangkong ang gastos sa SEAG.

***

HINDI kami kumporme na isang demandang sibil ang iniharap ng mayorya ng Executive Board ng Philippine Olympic Committee (POC). Kung kami ang tatanungin, maigi na isang habla ang iniharap nila sa Ofice of the Ombudsman sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupts Practices Act. May malisya kasi sa hindi pagsusumite ng Philippine Southeast Asian Games Governing Committee (Phisgoc) ng audited financial report sa gastos sa 2019 SEAG.

Umabot sa humigit kumulang sa P15 bilyon ang ginastos sa 2019 SEAG. Malaking bahagi sa mga gastos ang galing sa kaban ng bayan. Dahil pera ni Juan dela Cruz ang ginamit, obligado ang Phisgoc na pinamumunuan ni Cayetano na magbigay ng audited financial report.

Kasama ito sa itinakdang proseso. May pinirmahan na Tripartite Agreement ang Phisgoc, POC, at Philippine Sports Commission (PSC) noong 2019 na mahigpit na itinatagubilin ang pagsusumite ng financial report. Hindi ito maaaring talikuran ng Phisgoc.

Muntik ng makalusot ang grupo ni Cayetano na namumuno sa Phisgoc dahil kakampi nila si Rep. Bambol Tolentino, pangulo ng POC. Hindi iginiit ni Bambol Tolentino ang pagsusumite ng financial report. Nakatakdang isumite ang financial report noong Pebrero ngunit hindi ito nangyari dahil sa pandemya. Nabalam ang pagsusumite ng mahigit walong buwan, ngunit hindi kumilos si Bambol Tolentino.

Sa huli, kumilos ang mayorya ng Executive Board at walang nagawa si Bambol Tolentino. Hindi lumagda si Bambol sa anumang dokumento na iginigiit ang pagsusumite ng financial report. Ang mga sports leader na lumagda ay sina POC chair Steve Hontiveros, POC first vice president Joey Romasanta, POC second president Jeff Tamayo, POC treasurer Julian Camacho, POC auditor Jonne Go, at POC board members Robert Mananquil at Clint Aranas.

Marapat lamang ihabla sina Cayetano at Tatz Suzara, Phisgoc chief operating officer, sa Office of the Ombudsman dahil sa paglabag sa kontrata dahil sa hindi pagsumite ng audited financial report. Maaari rin ihabla si Bambol Tolentino sapagkat hindi niya inobliga si Cayetano na isumite ang audited financnial statement.

***

MGA PILING SALITA: “Ang sa gobyerno social services relief agency walang ingay man Lang. Kahit nagrerepack ng mga relief goods wala.” – Renato Loredo, netizen

“Rep. Bambol Tolentino, who is president the Philippine Olympic Committee, did not sign the civil suit, giving credence to perception that Bambol Tolentino is the protector of Alan Peter Cayetano, chair of PHISGOC (Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee), which managed the 2019 SEA Games. Bambol and Cayetano are politicians, who have apparently conspired to save each other’s skin re the SEAG controversy and scandal. Cayetano and his ilk at PHISGOC did not want to submit a financial report despite the fact that PHISGOC is required in an agreement to submit detailed report of expenditures. Public funds were forwarded and spent for the 2019 SEAG. Hence, an audited financial statement is required.” – PL, netizen

“Bakit parang feeling ko kulang ang tulong ng gobyerno? Parang walang masyadong tumutulong sa mga trapped sa baha. Hopefully, busy lang sila.” – Dino Manrique, netizen

“But it’s amazing how his servile minion Mitch McConnell can’t face the moron to tell him that he lost and he can’t prove there was cheating. Moscow Mitch spoke at the Senate floor yesterday to make Donald Trump feel that he’s been victimized by the system and he has the right to pursue every legal avenues to keep this whole thing dragging until he gets the bad news from the Election Certification that he really lost. I wonder if the Orange Blob is still hoping that Arizona is still with him. After what he did to Sen McCain and Cindy McCain’s endorsement of Joe Biden, I don’t think so.” – Gregoria Osias, netizen

“Kaya nga Inferior Davao ang tawag sa kanila. Inutil sila sa bagyo, baha, lindol, pagputok ng bulkan, landslide, at ibang sakuna.” PL, netizen

“The Philippines is strange. It’s forces are not busy securing independence from external threats, but defending external threats from Filipinos. Citizens are the enemy, culprits, the bad guys. External forces have been invited in. Government defends them! And attacks citizens!” – Joe America, netizen