Advertisers
ARESTADO ang tatlong lalaki sa drug buy-bust operation sa Maynila.
Kinilala ang mga dinakip na sina Ralph Anthony Oscio, 29; Mervin Alcaide, 27; at Christian Marlon Laurente, 22-anyos.
Nakumpiska ang apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng 350 gramo na nagkakahalaga ng P2.3 milyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jocelyn Domenden)