Advertisers

Advertisers

Phoenix nasungkit ang 2nd seed sa PBA playoffs

0 183

Advertisers

NASUNGKIT ng Phoenix ang ikalawang puwesto sa Philippine Basketball Association quarterfinals matapos masilat ang Rain or Shine sa manipis na 90-88, sa final game ng elimination round sa Angeles University Foundation Sports and Cultural Center sa Angeles City, Pampanga.
Bumangon ang Fuel Masters mula sa 14 points pagkabaon sa 9 na minutong nalalabi para ibaon ang Elasto Painters matapos itala ang 24-5 run para tapusin ang laro.
Pinamunuan ni Jason Perkins ang opensa ng Phoenix, sa kinamadang 30 poits at eight rebounds.
Chua nagdagdag ng double-double na 21 points, 10 rebounds at one assists off the bench.
Makakaharap ng Phoenix ang seventh seed Magnolia, na tinalo ang Blackwater sa knockout stage.
Mocon at Jewel Ponferada umiskor ng tig-13 puntos para sa Paint Masters, na nalaglag sa eight place at makakasagupa ang No.1 seed Ginebra.
Samantala, kahit nalaglag sa quarterfinals bonus dahil sa quotient rule, ay pinagdiskitahan ng Hotshot ang Elite para makapasok sa playoff.
Kumamada si Ian Sangalang ng 17 points on 6-of-10 shooting at 10 rebounds para sa Magnolia, na tinapos ang elimination round sa 7-4 card.
Chris Banchero nagdagdag ng 14 points, four rebounds, six assists at one steal. Habang si Canaleta bumakas ng 14 points, five rebounds at one steal off the bench para sa Blackwater, na tinapos ang season sa 2-9.
Don Trollano pomuste ng double-double na 13 points, 10 rebounds at two assists at one steal.
Sa kabilang banda, pasok na rin sa quarterfinals ang Meralco Bolts matapos llaglag ang NorthPort, 80-73.
Bong Quinto pinamunuan ang opensiba ng Meralco sa kinamadang 14 points on 5-of-9 shooting kabilang ang 4-of-6 threes, eight rebounds, at two assists.
Raymond Almazan at Chris Newsome nag-ambag ng tig-11 marka.
Jervy Cruz umiskor ng 15 points,17 rebounds, at two steals para sa NorthPort, na tinapos ang season sa 1-10.