Advertisers
ANG Premier Volleyball League (PVL) ang pinakahuling liga na pumasok sa professional ranks, ang pormal na anunsyo ay nakatakda ngayong Biyernes.
Pagkatapos ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3, National Basketball League, at Women’s National Basketball League lahat naging professional ngayong taon.
Ang stakeholders ng PVL, na pinamumunuan ni Sports Vision president Ricky Palou, ay nakatakdang ianunsyo ang detalye na kanilang decision ngayon Biyernes sa briefing kasama ang Games and Amusement Board (GAB).
Sinabi ni Palou na natanggap na nila ang assurance kay GAB chairman Baham Mitra tung-kol sa ilang financial concerns bago maging pro.
“We sat down with (Mitra) three to four weeks ago. Ang worry namin is the financial aspect,” wika ni Palou. “He assured us na, ‘Hindi kami BIR.’”
Sa nakaraang panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Palou na kinunsulta nya ang lahat team owners nakaraang Linggo, “all teams agreed to go pro” ayon kay Palou.
Ang PVL ay itinatag noong 2014 na V-League at suportado ng Shakey’s ng ilang taon, bago binago noong December 2016, na sa kasalukuyan ay may nine clubs ang naglalaban sa PVL.