Advertisers

Advertisers

Ynna payag maging ninang ng baby ng ex-dyowang si Mark

0 332

Advertisers

Ni Boy Romero

YNNA Asistio gets her biggest break via Net 25′ first romantic drama series, “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” with Direk Eduardo Roy, Jr at the helm.

“Sobrang excited po. After 14 years in the industry, nakapagbida na rin ako. Hiningi ko ito kay God. Ipinagdasal ko ito,” simula ni Ynna nang makausap namin  sa grand launch ng bagong teleserye kasama ang iba pang shows ng Net 25.



Inamin pa ng batang aktres na nu’ng panahon ng lockdown ay nagkaroon siya ng depression at anxiety. Kinwestiyon niya kung ano yung dating ginagawa at iniyakan pa niya ang mga ito. Nawala raw ang kanyang soul, nawala siya kay God hanggang sa nag-flashback din sa kanyang alaala ang mga dating ginagawa at ngayon ay gusto niyang gawin uli with the emotional support ng kanyang family. Naniniwala siya na pag hiningi mo kay God, everything will fall into place.

Last boyfriend niya si Mark Herras at six years na silang hiwalay.

May kapalit na ba ito sa kanyang puso?

“May boyfriend po ako ngayon, non-showbiz,” pag-amin naman niya sabay tawa.

Aniya, ayaw na raw niyang magkaroon ng relasyon sa showbiz, nagka-trauma na raw siya. Katwiran niya, may mga bagay na ‘di na dapat i-share sa world. Aware rin siya na may live-in partner na si Mark at buntis na ang kinakasama nito.



“I’m so happy for him, finally magse-settle down na siya. Friends din naman kami ni Nicole (live-n partner ni Mark). Napakabait ni Nicole as in. Watch ko pa nga yung mga photo nila sa Instagram,” ‘di nawawala ang mga ngiti sa kanyang mga pahayag.

Payag din daw siya maging ninang sa anak nina Mark at Nicole.

“That’s fine with me. Kung payag si Nicole,” mabilis niyang sabi. Dugtong pa niya, hindi na raw kailangan pang gawing isyu yun. Okey sila ni Mark at kahit wala na sila, friends pa rin sila dahil ang mga pamilya nila ay magkakaibigan pa rin till now.

Musta naman ang kanyang leading man na si Geoff Eigenmann?

“Akala ko, nu’ng una ay suplado siya, mahirap siyang makatrabaho,” aniya. Pero mali ang impresyon na yun ni Asistio kay Eigenmann dahil unang araw pa lang nila ng kanilang lock-in taping sa Bataan ay binonding na agad sila ni Geoff hanggang sa sinabi na ng kanilang direktor na si Direk Eduardo Roy, Jr na nakita na nito ang kanilang chemistry.

So, yung inisip niyang hindi ganun kadaling katrabaho si Geoff ay nawala na. Naging madali na ang kanilang working relastionship. Para na lang daw silang naglalaro. Mabait at professional pa raw ang aktor.

Walang kontrata si Ynna sa Net 25. Per project basis lang siya at masaya siya sa treatment na ibinibigay sa kanya ng nasabing network.

Ang “Ang Daigdig Ko’y Ikaw” ay mapapanood  for one season (13 weeks) simula sa November 28, every Saturday, 8pm.

***

SEAN DE GUZMAN SINUKO ANG SYOTA PARA SA CAREER

HANGA naman kami kay Sean de Guzman, bida ng “Anak Ng Macho Dancer” dahil isinakripisyo niya ang kanyang girlfriend over his career. Kailangan daw niya kasing i-prioritized ang kanyang career na gumaganda ang takbo ngayon. Gusto niya na naka-focus siya sa work at unfair daw sa karelasyon kung ‘di niya ito mabibigyan ng enough time.

Nung first day ng kanilang shoot  sa gitna ng magandang trato na ibinibigay sa kanya ng kapwa kasama sa film na ito, du’n lang daw nag-sink-in na totoo na siyang bida.  Inamin niya yun sa kanyang manager na si Mam Len Carillo na sinamahan siya nu’ng araw na ‘yun.

Masaya siya dahil hanggang ngayon, nasa Angeles City ang buong grupo para kunan ang  mahahalagang eksena at ‘di pa raw siya namumura ng kanilang direktor na si Joel Lamangan. At sana raw ay hindi niya ma-experience na murahin siya hanggang matapos ang kanilang pelikula.

Hanggang ngayon ay pinanghahawakan ni Sean na gagawin at ipakikita ang lahat sa pelikulang ito.

Ang suwerte nga niya dahil bukod sa bida siya rito, pawang magagaling na artista ang sumusuporta sa kanya tulad nina Rosanna Roces, Jaclyn Jose, Jay Manalo, Alan Paule at Emilio Garcia.