Advertisers

Advertisers

Aiko baliw sa pagkainlab kay Wendell

0 242

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

NAPAPANUOD na ang bagong episodes ng hit afternoon prime na Prima Donnas na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Hindi rin nagpahuli ang iba pang cast na sina Elijah Alejo, Aiko Melendez, Katrina Halili at Wendell Ramos sa paghahatid ng mga kapana-panabik na mga eksena sa muling pagbabalik nito.



Nang makapanayam ng 24 Oras ang ilan sa cast kabilang na sina Elijah at Aiko, marami umanong maiinit na tagpo at aral ang mapupulot sa mga bagong episode ng serye.

“Mas pina-mature ‘yung teens. So, abangan nila kung paano ko pa rin aawayin ‘yung mga Donnas kahit may social distancing. Pero ang masasabi ko lang, gusto ko rin sabunutan si Brianna mismo,” kwento ni Elijah na gumaganap bilang ang kontrabidang si Brianna.

Dagdag pa ni Aiko, may hatid ding mga aral ang serye.

“One thing na kailangan nila abangan is ‘yung gaano talaga kamahal ni Kendra si Jaime. Kasi si Direk Gina (Alajar) pinakita niya talaga rito ‘yung obsession ni Kendra.

“Talagang matututunan din ng viewers na ang pangarap ng isang tao dapat may hangganan. Hindi lahat ng pangarap mo dapat mong tuparin kung nakakasakit ka na.



“Ang tamang pagmamahal may hangganan din kasi minsan nakakabaliw ang sobrang pagmamahal,” aniya.

Mula sa direksyon ni Gina Alajar, napapanood ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Ika-6 na Utos.

***

NAAALALA n’yo ba sina Ella, Glenn at Jenny? Sila ang mga nanalo ng mega jackpot sa Wowowin. Matutunghayan na natin ang kuwento ng kanilang buhay sa Magpakailanman ngayong Sabado sa GMA.

Sa natatanging pagganap ng mga onanay na sina Ella Ong, Glenn Anastacio at Jenny Botes, tunghayan ang kanilang totoong kuwento ng pagsisikap at pakikipagsapalaran hanggang sa palarin sila bilang 6th Mega Jackpot winners ng programang “Wowowin”. #MPKLittleBigWinners

May hindi ka ba napanood na episode ng #MPK? Visit or download the GMA Network App to watch the full episodes!