Advertisers

Advertisers

Myrtle Sarrosa naghahanda na sa virtual concert sa Nov. 28

0 273

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

RATSADA ngayon ang Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa dahil bukod sa mga guesting sa GMA-7, abala rin siya sa kaliwa’t kanang projects sa Borracho Film Production na pinamumunuan ni Atty. Ferdinand Topacio.

Sa pelikulang Mamasapano ay gumaganap siya bilang reporter na ang casts ay pinangungunahan nina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jojo Alejar, Ritz Azul, Claudine Barretto, Kate Brios, LA Santos, Erika Mae Salas, Janah Zaplan, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo.



Bukod sa pelikula, naghahanda na si Myrtle sa kanyang virtual concert titled Still Love Me na gaganapin sa November 28, 8pm.

Pahayag niya, “With all the changes that happened in my life, from me entering and winning in the PBB house, being a cosplayer… now being a Kapuso, I hope that people will still love me and that my journey as an artist, ups and downs, have greatly contributed to who am I now.”

Special guest dito ni Myrtle ang Prince of Ballad na si Gerald Santos together with Outkasts, at The Jazz Wholes.

May significance kay Myrtle ang Still Love Me dahil ito ang titulo ng isang kanta niya na ini-release noong 2016.

Nagpatikim si Myrtle ng dapat abangan sa kanyang concert.



“In the concert, maririnig at makikita nila yung songs ko that my fans and supporters first loved. Iyong present taste and playlist ko and siyempre, ang mga bagong direksyon na gusto kong gawin, musically and artistically.”

Saad pa ng singer/actress, “This will be the first time na gagawa ako ng virtual concert. Of course, marami kayong dapat abangan kung paano ba ang concert ngayon in a digital stage. Kung paano siya ginagawa in a live streaming platform, and kung paano manonood iyong mga hindi makakapunta rito sa Pilipinas.”

Prodyus ito ni Atty. Ferdie Topacio under Borracho Film Production, directed by Rommel Ramilo.

Ilan pa sa repertoire rito na kaabang-abang ay ang pagkanta niya ng Black Pink at BTS songs, ang Myrtle and Gerald duet, Tiktok mash ups with production number, ilang Christmas songs, at surprise numbers.