Advertisers

Advertisers

Niligtas ng bagong serye ng Net25… Ynna inamin, inatake ng depresyon sa pandemya

0 247

Advertisers

Ni FERNAN DE GUZMAN

BUHAY na buhay ngayon ang career ng aktres na si Ynna Asistio.

Matatandaang three to four years  na iniwan  o nabakante sa showbiz ang dalaga.



Kung hindi pa sa NET 25  ay baka nalugmok nang tuluyan ang kanyang showbiz career.

Masasabing suwerte si Ynna dahil sa nagtiwala sa kanya ang nasabing network.

Hindi biro ang  malaking proyektong  ibinigay sa kanya.

“Nagka-anxiety ako, na-depress  talaga ako. At nagka-pandemic pa. Namatay na ang soul ko.

“Nagsimula nung April o May… Buti na lang may dumating na ganitong kalaking project.



“Nagising ako bigla na kailangan kong mag work. Sa totoo lang, ipinagdasal ko at hiniling ko ito kay Lord,” kuwento niya.

Masasabi nga na launching project ng dalaga ang “Ang Daigdig Ko’y Ikaw,” NET25’s  first romantic drama series.

“Nagpa go-see sila at masuwerte naman na ako ang napili. Malaking pasalamat ko talaga.”

Kumusta naman sila ni Geoff Eigenmann bilang leading man niya?

“Mabait at very professional. Noong una akala ko nga suplado siya. Noong  first day taping namin  dun ko nakita ang ugali niya. Nag-bonding na kaming lahat.

“Sabi nga ni direk, (Eduardo Roy, Jr.) nakita na  niya agad na may chemistry kami,” sagot ni Ynna.

Kumusta naman ang puso niya?

“Okey naman. Di showbiz, ayoko na talaga sa taga-showbiz. Mas maganda tahimik at di magulo. Na-realize ko na may mga bagay talaga na di  kailangan malaman ng buong mundo ang nangyayari sa yo,” sabi pa ni Ynna.

Sa ngayon ay focus si Ynna sa kanyang  first big project, ang “Ang Daigdig Ko’y Ikaw”  na magsisimulang mapanuod sa November 28, 2020, every Saturday at 8 PM. May bagong tututukan na!