Advertisers
Natanggap na ng mga mahihirap na mangingisda ang P3-milyong livelihood assistance mula sa gobyerno.
Ayon sa DOLE, kabuuang 150 mangingisda ang nakinabang sa livelihood grant ng ahensya ayon
sa ulat ng DOLE regional office kay Labor Secretary Silvestre Bello III.
Ang livelihood assistance ng mga mahihirap na mangingisda na gumagamit lamang ng paddle ay pambili ng makina upang ma -upgrade ang kanilang banca sa motorized fishing vessels
“For years, fishermen in the municipality have toiled hard to catch fish for their daily sustenance. Without motorized fishing boats, they could not cope with the rising cost of living under present times,” sinabi ng kalihim.
Sinabi pa ng kalihim na dahil sa livelihood aid ay magpapabuti para sa mga mangingisda sa 11 coastal barangays gaya ng Cabalagnan, Tanhawan, Dolores, Igang, Igdarapdap, Lapaz, Lucmayan, Magamay, Pandaraonan, Poblacion, San Roque, San Antonio, Santo Domingo, Tando, Guiwanon at Panubulon.
Sinabi naman ni DOLE Region 6 Director Cyril L. Ticao layon ng ibinigay na suporta na magkaroon ng maayos na pangkabuhayan ang mga benipisyaryo para sa kanilang pamilya .
Ayon pa kay Ticao, malaking pasasalamat ng mga beneposyaryo ang tulong na naibigay sa kanila ng gobyerno .
Noong nakaraang tao ay nagbigay na rin ang DOLE ng fishing nets, plywood at pintura para sa repair ng kanilang fishing boats. (Jocelyn Domenden)