Advertisers

Advertisers

Paslit, dinaliri ni lolo

0 332

Advertisers

Arestado ang isang lolo nang molestiyahin ang 6-anyos na apo-apohan sa Pasay City nitong Huwebes.
Kinilala ang suspek na si Jesus Simon, 66, tricycle driver, taga #2466 Tolentino St. Brgy 129 ng naturang siyudad.
Ang biktima naman itinago sa pangalang Annie, 6, ng Brgy. 132.
Sa pahayag ng ina ng bata, 27-anyos, naganap ang insidente 5:00 ng hapon sa tinitirhan ng suspek sa nasabing lugar.
Ayon sa ina ng biktima, pumunta ang kanyang anak sa bahay ng kanyang stepfather na si Simon.
Pag-uwi ng biktima sa kanilang bahay, umiiyak ito at sinabi na pinasok ng suspek ang daliri nito sa kanyang ari.
Agad na nagharap ng reklamo ang ina ng bata sa mga pulis na naging dahilang nang pagkakaaresto ng suspek.(Gaynor Bonilla)