Advertisers

Advertisers

Brgy. Kapitan, nambugbog ng residente

0 230

Advertisers

Itinuturong sangkot ang punong barangay kasama ang tatlong hindi pa matukoy na kalalakihan na nambugbog sa isang lalaki sa lungsod ng Naga.
Kinilala ang biktima na si Mark Alvin Cadano, 35, nangangalakal at residente ng Brgy. Cararayan ng naturang lungsod.
Ayon sa biktima, una umano itong tinawag ng punong barangay na kinilalang si Kapitan Julius Ceasar Sanchez, PB ng Dayangdang, Naga City kasama ang tatlo pang lalaki.
Ngunit ng makalapit na umano ang biktima sa nasabing mga kalalakiha bigla na lamang nilagyan ng plastic bag ang kanyang ulo at sapilitang sinakay sa isang puting sasakyan.
Armado umano ng m-16 rifle si Sanchez kung saan habang sakay ang mga ito ng naturang saksakyan ng bugbugin ito habang hakaw ang naturang baril sa parteng dibdib at mata.
Sa report, matapos ang naturang pangbubugbug pinahubad rin ang biktima ang kanyang suot na damit bago ito ibinaba sa Concepcion Cemetery Concepcion Pequena Naga City.
Sa ngayon nagpapatuloy parin ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa naturang krimen habang nailapit narin umano ito sa Department of the Interior and Local Governments.
Sinusubukan naring kunan ng pahayag ang naturang punong barangay hingil sa naturang insidente.