Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NITO lang Sunday, November 8 taong kasalukuyan, nakatakda ang petsa ng kasal sana nina Neil Arce at Angel Locsin.
Pero dahil sa dinaranas ng bansa ang pandemya ay naudlot ang pag-iisang dibdib nina Angel at Neil.
Pansamantala lang naman ang pagpapaliban ng couple.
Sa social media nga ni Angel ay sinagot nito ang komento ni Neil na atat na itong pakasalan ang dyowa.
Pero dahil sa health problem ay ‘di na natuloy ang pagiging Mrs. Arce ni Angel ngayong Nobyembre.
Inip na nga raw si Niel na maging wife na niya si Angel at may mga kaibigan na pinaboran ang pag-urong ng kasal ng dalawa.
Nanghihinayang in a sense si Niel dahil gusto na nga talaga nitong mag-isang dibdib sila ni Angel.
Pagbida pa ni Neil na muling sumagot sa komento ng dyowa na nanghihinayang ito na nakapag-down na ang fiance nito para sa wedding preparation.
Kaya waiting ang couple kung kailan ulit itatakda ang kasal nila.
***
ALAM na raw ngayon kung bakit kahit anong show ay walang natutuloy si Kris Aquino.
Puro press releases lang daw sa kanyang social media at mismong ang Reyna ng Intriga na si Cristy Fermin ay nagsabing na kay Kris ang problema.
Ang pagpa-power tripping umano nito ang dahilan kaya walang isa mang natuloy na show si Kris.
Pumalag daw si Cristy dahil naka-strike 2 na nga raw sa pagiging power tripping si Kris.
Ayon kay Cristy, nauna na nga raw tinanggihan nito si katotong Wendell Alvarez na co-host niya para mag-interview sa kanyang programa sa Singko.
Kinausap pa nga raw ni Cristy si Wendell sa gusto ni Kris na ayaw nito na nakaupo sa panel ang reporter para mag-interbyu sa kanya sa Cristy Fer Minute sa Singko.
Kaya say ni Wendell, “Bakit gusto ko ba din siya?”
Kahit kay Mr. Fu ay umiral ang pagiging power tripper ni Kris na sa text nito kay Manay Lolit ay sinabing ayaw din nito maka-work si Mr. Fu at hindi raw ito ka-level nina Cristy at Lolit. Dun na siya niratrat ni Cristy.
Well, well, well…’Yun na!