Advertisers
Patay ang 2-anyos nang tangayin ng baha kasama ang kanyang ina sa Barangay Tumana, Marikina nang manalasa ang bagyong “Ulysses.”
Sa ulat, nakita ang bangkay ng batang si Steven Kent, 2-anyos, na balot ng putik.
Ayon kay Roche Inabore, ina ng biktima na hinihintay nila ang pagbalik ng kaniyang mister na unang inilakas ang 10-anyos nilang anak papunta sa kabilang bahagi ng sapa.
Pero unti-unti na raw tumaas ang tubig sa sapa hanggang sa bumigay na ang kawayan na kanilang kinaroroonan.
Nagkahiwalay na silang mag-ina at wala na siyang nagawa nang tangayin ng tubig ang kaniyang anak.
“Sobrang sakit kasi ginawa ko ang lahat para mailigtas lang siya e. Sabi ko kung puwede nga lang, ako na lang e,” malungkot na sabi ni Roche.
Dagdag pa sa pagdadalamhati ni Roche na hindi pa niya nakikita ang kaniyang mister at ang kanilang anak.